Vhong Navarro, naiyak sa pagpanig sa kanya ng korte

Cedric Lee, Deniece Cornejo at Jed Fernandez, guilty sa kasong Grave Coercion

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/28/2018 10:36 AM
Vhong Navarro, naiyak sa pagpanig sa kanya ng korte


Sa ulat ng TV Patrol, hinatulang guilty ng Taguig City Metropolitan Trial Court sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez sa kasong Grave Coercion. Isinampa ang kaso laban sa kanila ni Kapamilya host Vhong Navarro. 

Ayon sa ulat, may kinalaman diumano ito sa pagpilit ng grupo na pirmahan ni Vhong ang police blotter na nagsasaad na nirape ng aktor si Deniece. Matapos ang apat na taon, napatunayan ng korte na si Vhong ang naging biktima ng pananakot at pambubugbog nina Cedric at Deniece.

Naiyak si Vhong sa panayam sa kanya ng news team. “Sobrang saya kasi ito yung justice na hinihingi natin ‘di ba? Parang bumabalik sa akin yung mga pinagagawa sa akin...”

Dagdag pa niya, “Unti-unting nakikita ko yung justice sa Pilipinas, dahil talagang di ako pinabayaan.” Lubos din ang pasasalamat ni Vhong sa Panginoon.

Nahatulan sina Deniece, Jed, at Cedric ng six months hanggang three years and six months na pagkakakulong