• Home
  • Fresh Scoops
  • Nathalie Hart: “I never thought na, ‘Ay, magpapalaglag ako dahil I'm going to save my career!’”

Nathalie Hart: “I never thought na, ‘Ay, magpapalaglag ako dahil I'm going to save my career!’”

Ano na ang balak ni Nathalie Hart sa kanyang career ngayong nagdadalantao siya?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/28/2018 9:37 AM
Nathalie Hart: “I never thought na, ‘Ay, magpapalaglag ako dahil I'm going to save my career!’”


Photo credits: @imnathaliehart IG

 

Kung kailan naman unti-unti nang bomubongga ang career ng sexy star na si Nathalie Hart ay saka naman siya nag-announce na magiging ina na siya to a baby girl at magpapakasal sa isang businessman.
 
Kasama si Nathalie sa pelikulang Kusina Kings na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez. Her first film sa Star Cinema was the controversial Sin Island with Xia Lim and Coleen Garcia kung saan napansin ang galing niya bilang aktres.
 
Wala bang panghihinayang na ngayon pa siya nabuntis when everything about her career is doing well?
 
“Nanghinayang ako… nanghinayang ako. But at the end of the day, hindi rin ako nanghinayang kung ano yung meron ngayon. Kasi for me, I’m happy at mahal ko rin yung lalaki.
 
“Sabi ko nga noon, paano ‘to? Wala pa ako masyadong napundar. I want something na kahit papaano kompleto na yung napundar ko bago ako mapunta diyan. Siyempre, manghihinayang ka din kung ano yung meron ka ngayon at kung ano sana yung puwede mo pang makuha,” lahad ni Nathalie sa PUSH.
 
Inamin ni Nathalie na natawa siya nung unang malamang magiging future mom na siya.
 
“Nakakatawa. Parang hindi ako makapaniwala. Parang joke time,” reaksyon niya.
 
Pero dahil sa pagbubuntis ay nagsimula na rin daw siyang maging conscious sa kanyang mga ikinikilos.
 
Aniya, “Iba na ngayon, eh. Kasi kailangan mong isipin kung ano yung dapat mong gawin kasi it’s going to affect the child.
 
“So, parang kung ano yung nagawa ko siguro before I became a mother, siguro maiintindihan naman ng anak ko na I had to do something for myself because kinakailangan ko talaga and everyone starts from somewhere.
 
“Siguro ngayon, kailangan ko ng isipin kung ano yung iisipin sa akin ng mga tao. So, I have to be more careful with everything I do know, kasi hindi lang ako yung masisira, pati yung anak ko at yung magiging asawa ko. Iba na, it’s stressful kaya nga dapat behave ka na.”
 
Seryoso naming tinanong si Nathalie kung hindi ba niya naisip na huwag ituloy ang kanyang pagbubuntis lalo pa nga’t baka makasagabal ito sa kanyang career.
 
“I never thought na, ‘Ay, magpapalaglag ako dahil I going to save my career!’ No way! Hindi ko iisipin yon.
 
“Mas gusto kong mawalan ako ng career at ituloy ko na lang ito, kesa naman one day, I will regret yung ginawa kong yon,” buong ningning niyang pagmamalaki sa amin.
 
Samantala, hindi naman sure si Nathalie kung kakayanin pa niyang mag-promote ng Abay Babes na pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Meg Imperial, Roxanne Barcelo, at Kylie Verzosa.
 
“Magpo-promote ako, pero I don’t know kung paano ako magpo-promote na six months na yung tiyan ko, eh, September na kasi yon.
 
“Parang hindi magandang tingnan na ang sexy nung lima pero ako ang laki ng tiyan ko,” natatawa pa niyang sabi.