• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla, naghahanda na para sa 2018 Star Magic All-Star game

Daniel Padilla, naghahanda na para sa 2018 Star Magic All-Star game

Daniel Padilla on 2018 All-Star game: ‘Si Gerald (Anderson) for sure gustong manalo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/28/2018 11:35 AM
Daniel Padilla, naghahanda na para sa 2018 Star Magic All-Star game


Sa ulat ng TV Patrol, pinaghahandaan na ni Daniel Padilla at ng team niya ang 2018 Star Magic All-Star game. Nang tanungin ni MJ Felipe kung pressured to win ang team niya, sagot ni DJ ay, “Si Gerald for sure gustong manalo. E kami naman enjoy lang, wala naman talagang competition.” 

Timeout din muna si Daniel sa taping para sa pelikulang The Hows of Us. Kuwento din niya tungkol sa taping nila sa Amsterdam, “napakaganda ng Amsterdam, talagang winelcome kami, tinulungan kami ng walang hinihinging bayad ng mga tao dun.”

Naghihinayang din daw siya dahil hindi siya makakasama sa pelikula ng kanyang Tito Robin Padilla. “Kasi ang hirap pagsabayin kasi may plans yata to stay in Marawi... siyempre nagmu-movie din ako ngayon.”