• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla, ibinahagi ang experience sa Amsterdam trip kasama si Kathryn Bernardo

Daniel Padilla, ibinahagi ang experience sa Amsterdam trip kasama si Kathryn Bernardo

Ayon kay Daniel Padilla, bukod sa kissing scenes aabangan din ang level up na istorya ng kanilang pelikula.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/28/2018 11:44 AM
Daniel Padilla, ibinahagi ang experience sa Amsterdam trip kasama si Kathryn Bernardo


 

Masayang nagbigay update ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa naging Amsterdam trip nila ng on screen partner na si Kathryn Bernardo.

Kuwento ni Daniel mainit ang naging pagtanggap sa kanila doon para sa shooting ng kanilang upcoming movie na The Hows of Us

Amsterdam, wow! Napakaganda. Unang una napakamababait ng mga tao, talagang winelcome kami, tinulungan kami ng walang hinihinging bayad ang mga tao. Talagang for the film ginawa nila,” bungad ni Daniel.

 

 

Bitter sweet symphony

A post shared by Daniel (@supremo_dp) on

 

Kuwento pa ni DJ na first time sa Amsterdam, na amaze siya sa ganda ng location ng kanilang shoot.

Ang ganda, and marami, marami, (scenes) ibang key scenes andoon, mabibigat. I mean hindi naman ganun kabigat pero mga importanteng eksena andoon,” sabi pa ni Daniel.

 

 

Aniya, aasahan ng mga manunuod ang level up na mga eksena na kanilang ibibigay ni Kathryn.

Siyempre, lume-level lang naman din kasi tayo every time, hindi naman pwedeng pa-bata tayo ng pa bata and huwag niyo na abangan ang kissing scenes, more then the kissing scenes abangan niyo yung buong istorya,” pahayag pa ni Daniel.

Sa ngayon, todo paghahanda si Daniel para sa inaabangan na Star Magic All Star Game ngayong August 19 sa Araneta Coliseum.