• Home
  • Fresh Scoops
  • Sue Ramirez, Excited na sa kanyang first movie sa Pista ng Pelikulang Pilipino

Sue Ramirez, Excited na sa kanyang first movie sa Pista ng Pelikulang Pilipino

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/27/2018 12:09 PM
Sue Ramirez, Excited na sa kanyang first movie sa Pista ng Pelikulang Pilipino


 

Good vibes movie ang handog ng Cignal Entertainment at Kapamilya star na si Sue Ramirez sa upcoming Pista ng Pelikulang Pilipino movie entry na Ang Babaeng Allergic sa WiFi.

Ayon kay Sue, ito ang unang beses na mapabilang siya Pista ng Pelikulang Pilipino na ikalawang taon na ngayon.

“First time ko po makasali sa PPP, nakakatuwa wala kasi ako nakikita na competition at all walang competition sa environment na ito,” sabi ni Sue.

Pagmamalaki ng young Kapamilya star, ibabalik ng kanyang pelikula ang mga panahon na hindi pa uso ang social media.

“I would say it’s a very wonderful movie. Andami emotions na ilalabas, it would bring out ‘yung youth side mo and ipapa-alala sa ‘iyo nung wala pa technology, nung wala pang cellphones, ibabalik tayo doon ng pelikulang ito,” ani ni Sue.

Aminado din ang Kapamilya star na minsan ay na-appreciate niya ang mag-time out muna sa social media.

“Sometimes it’s nice to stay away from social media, to stay away sa online world and go back to the world that we live in talaga. Walang fake news, wala ka mababasa na fake accounts, walang bashers, yung mga tao lang na nagmamahal talaga sa iyo parang ang sarap nya balikan,” pahayag pa ni Sue.

Mapapanuod ang Ang Babaeng Allergic sa WiFi simula ng August 15. Mula sa direksyon ni Jun Robles Lana.