• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla at Mariel Rodriguez-Padilla, mananatiling Kapamilya

Robin Padilla at Mariel Rodriguez-Padilla, mananatiling Kapamilya

Sabay na nag renew ng ABS-CBN contract sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez-Padilla

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/27/2018 12:01 PM
Robin Padilla at Mariel Rodriguez-Padilla, mananatiling Kapamilya


 

Magkasunod na pumirma ng renewal of contract sa ABS-CBN ang celebrity couple na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez-Padilla.

Kuwento ni Robin, higit pa sa showbiz ang relasyon niya ngayon sa ABS-CBN.

 

“Marami kaming mga bagong partnership na pinag-uusapan lalo na yung sa Marawi, kasi parang tapos na kami ng ABS sa pa showbiz, mas maganda ang relationship namin ng ABS magkasama kami sa kawang gawa eh mas gusto ko yun. Ito kasi showbiz lang ito eh mas malalim,” bungad ni Robin 

Masaya din si Robin sa balita na extended ang kanilang hit telerserye na Sana Dalawa Ang Puso kasama si Jodi Sta Maria.

“Sana po palakasin lang po ninyo ang mga eksena, yung mga sweet kasi ang nagre rate yung pa action eh ayoko na ng action… biro lang po biro lang! (Laughs) Sana po suportahan n’yo palagi dahil pinagaganda po namin yung show namin,” sabi pa ni Robin.

Gaya ni Robin, tuloy tuloy din is Mariel sa pagbibigay aliw sa noontime show na It’s Showtime.

 

“Definitely everyday makakasama ko pa rin ang madlang people and I’m very happy about that,” sabi ng Showtime host.

At dahil byaheng Amerika ang Showtime family, quality time with Isabella daw ang gagawin ngayon ni Mariel.

“Yes I get to spend time with my baby, babawi naman ako, oo. I’m very very excited and I’m really looking forward to it,” sambit ni Mariel.

“I wish them well, I know they’re going to have a great show. Pinaghahandaan nila lahat at marami sila mapapasayang kapamilya in the States,” pahayag pa ni Mariel.

May mga pelikula ang nakalinyang gagawin ni Robin at hosting projects naman ang aabangan ngayong taon kay Mariel.