Gerald Anderson, nilooban ang bahay

Anak ng dating katiwala, nilooban ang bahay ni Gerald Anderson.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/27/2018 11:16 AM
Gerald Anderson, nilooban ang bahay


 

Sa ulat ng TV Patrol, nilooban ang bahay ng aktor na si Gerald Anderson at kinuha ang ilang damit at sapatos niya.

Ayon sa personal assistant ni Gerald ay hinabol nila ang suspek nang makita nilang nanggaling ito sa bahay ng aktor. Nagtago pa daw ito sa sasakyan ng aktor. Nakuha nila sa sling bag ng suspect ang mga damit at sapatos ni Gerald.

Napag-alaman din na ang suspect ay trabahador sa construction sa harapan ng bahay nila Gerald. Anak din daw ito ng dating katiwala ng aktor.

Pinabulaanan naman ng nasabing magnanakaw ang akusasyon laban sa kanya. “Wala naman silang nakuha sa akin nung time na yun e. Siguro ginawan na lang nila ako ng butas.”

Nakakulong na ang suspect at nahaharap siya sa kasong theft.