• Home
  • Fresh Scoops
  • Ahron Villena, nagkuwento tungkol sa babaeng pinagselosan ni Kakai Bautista

Ahron Villena, nagkuwento tungkol sa babaeng pinagselosan ni Kakai Bautista

Ahron Villena denies he’s gay.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/27/2018 11:11 AM
Ahron Villena, nagkuwento tungkol sa babaeng pinagselosan ni Kakai Bautista


 

Sa Tonight with Boy Abunda, diretsahang tinanong ng host na si Boy Abunda si Ahron Villena tungkol sa babae na diumano’y involved sa naging problema sa pagitan niya at ni Kakai Bautista. Tanong ni Boy, “noong magkaibigan kayo ni Cacai, up until the time that you were not talking to each other, were you seeing other girls?”

Pag-amin naman ni Ahron, “May nilalabas po ako before Tito Boy, siya yung nasasabihan ko nung problema ko and she was there to listen din naman on my side.” 

Inamin naman ni Kakai, na kasamang nag-guest ni Ahron sa TWBA, na pinagselosan niya ang babae. “Sobrang nagselos ako, kasi the girl made a way to be close to him... I’m sorry to say this but I really did not like that girl because part of my pain... with everything that has happened Tito Boy, half of it is from that girl.”
 
Dagdag pa ni Kakai, “I believe she intentionally did it to me, until now. And she has no remorse.”

Nilinaw naman ni Ahron kung ano ang naging relasyon niya sa nasabing babae. “We were just friends.” Ang babae din daw ang nag-reach out kay Ahron pero sabi ni Ahron, sa tingin niya ay hindi naman ito in love sa kanya. “I don’t think so Tito Boy kasi that time Tito Boy, she had a boyfriend.” Hindi na rin daw sila ngayon nag-uusap ng babae at ayon kay Ahron, “I think she’s happy now.”

Iba naman ang sagot ni Kakai sa tanong kung in love ang babae kay Ahron, dahil para sa kanya ay “sobrang” in love ang babae kay Ahron.