• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Milby, nagulat na nakipagrelasyon ang ex girlfriend sa kapwa babae

Sam Milby, nagulat na nakipagrelasyon ang ex girlfriend sa kapwa babae

Naka-move on na si Sam Milby mula sa kanyang huling relationship.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/26/2018 9:53 AM
Sam Milby, nagulat na nakipagrelasyon ang ex girlfriend sa kapwa babae


 

Loveless na naman ngayon ang Kapamilya hunky actor na si Sam Milby. Kabi-break lang nila ng model/blogger girlfriend na si Mari Jasmine

Naging kontrobersyal ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Na-in love ang ex-girlfriend niya sa kapwa babae, ang director na si Samantha Lee. Pero ayon kay Sam, naka-move-on na siya sa nangyari.

Sa presscon ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Halik (papalit sa timeslot ng Since I Found You), ay hindi naiwasang magbigay ng comment ni Sam sa kanyang pinagdaanan.

Naging aware ba siya sa sexual preference ng kanyang dyowa?

Simula ni Sam, “I didn’t expect, there was no sign. So, I was surprised noong nalaman ko.”

Patuloy niya, “But I don’t really want to say too much. I knew a while before, pero noong kami, no signs, wala talaga. I didn’t know that she’s open to that kind of relationship so I had no idea.”

Wala na rin daw sila ng ex-gf nung nakarelasyon nito ang lady director.

“It happened na wala na kami ni Mari,” paglilinaw niya.

“Wala ring overlapping. Hindi siya yung third party kaya kami nag-break, it’s not like that. We broke up and she started dating,” paliwanag pa ni Sam.

Sa obserbasyon ni Sam, first time rin ni Mari na makipagrelasyon sa kapwa babae.

“From my understanding, it’s her first time to experience a relationship with a woman,” reaksyon niya.

Samantala, kasama ni Sam na bida sa teleseryeng Halik na mula sa RSB Unit sina Jericho Rosales, Yam Concepcion at Yen Santos.

Gagampanan ni Sam ang role ni Abel sa series na isang mayamang lalaki na mai-involve sa character ni Yam.