• Home
  • Fresh Scoops
  • Ronnie Alonte, aminado sa ‘di nila pagkakaintindihan ngayon ni Loisa Andalio

Ronnie Alonte, aminado sa ‘di nila pagkakaintindihan ngayon ni Loisa Andalio

Gaya ni ibang relasyon, dumadaan din daw sila sa ‘hindi pagkakaunawaan.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/26/2018 2:10 PM
Ronnie Alonte, aminado sa ‘di nila pagkakaintindihan ngayon ni Loisa Andalio


Photo credit: @iamandalioloisa (L) pn IG

 

Kasunod ng mga emosyonal na social media posts ni Ronnie Alonte at Loisa Andalio, inamin ni Ronnie na may pinagdadaanan nga sila ngayon ni Loisa.

 

 

Gsto ko na ulit bumalik dito. Ung nag aaral lang 🤔🤔🤔

A post shared by Ronnie 2 Alonte (@hashtag_r2a) on

 

“Hindi naman lahat ng relasyon e (perfect). Meron bang hindi nag-aaway? Siguro meron lang na hindi pagkakaintindihan,” bungad ni Ronnie.

Sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News kay Ronnie sa Star Magic All-Star Game training, mas pinili ni Ronnie na hindi na magbigay pa ng detalye tungkol dito.

“Hindi ko lang alam eh, siguro sa amin na lang ‘yun dalawa, private eh. Meron lang ‘di pagkakaintindihan o meron lang hindi pagkakaunawaan pero sana soon maayos. Kung kami talaga, eh di kami talaga,” sabi pa niya. 

Ayon pa rito, nakapag-usap na rin daw sila ni Loisa matapos ang kanilang ‘di pagkakaunawaan.

“Nakakapag-usap naman kaming dalawa, pero siguro kailangan lang po muna namin magrelax, maging open muna ‘yung isip namin sa isa’t isa bago kami mag desisyon ulit na ‘magkikita ba kami?’ o ‘mag uusap ba kami?’ Mga ganun ba.” 

Sa ngayon, puspusan ang paghahanda ni Ronnie para sa Star Magic All Star Basketball Game sa darating na August 19 sa Araneta Coliseum.