Gary Valenciano, excited sa kanyang pagbabalik-trabaho

Kasabay ng kanyang pagbabalik ang adjustment sa pag-awit at pagsasayaw.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/26/2018 7:11 PM
Gary Valenciano, excited sa kanyang pagbabalik-trabaho


 

Sumalang na sa kanyang first TV guesting si ‘Mr Pure Energy’ Gary Valenciano sa Magandang Buhay matapos sumailalim sa operasyon.

Ayon kay Gary, limitado pa rin ang kanyang kilos sa ngayon matapos ang pinagdaanan na open-heart surgery.

 

 

Actually, bawal pa ‘yang mga tipong sayaw. Sabi ng doctor nasa akin na ‘yun eh kung kaya ko gawin, pero nasubukan ko minsan, may nararamdaman ako na discomfort dito sa operation in my kidney,”   sabi ni Gary sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Bukod sa pagsasayaw, nagkaroon din ng adjustment si Gary sa pagkanta matapos ang dalawang buwan na pansamatalang pamamahinga.

Sa singing, medyo nanibago din ako, kasi almost two months akong hindi kumakanta eh, as in zero and ‘nung nabigyan ako ng pagkakataon na kumanta ulit, nanibago talaga ‘yung paggamit ko ng boses ko,” pahayag pa niya. 

Samantala, nagpasalamat naman si Gary sa buhos na pagmamahal at panalangin mula sa mga kaibigan at taga-hanga.

It literally left me speechless kasi ang dami talaga. As in itong mga ito hindi ko naman kilala eh, but they come up with one or two words, minsan isang paragraph na napakasoothing and assuring na words of encouragement,” aniya. 

Ngayong weekend, babalik na muli sa paghuhurado si Gary sa Your Face Sounds Familiar Kids 2 at ASAP.