• Home
  • Fresh Scoops
  • Elsa Droga on boyfriend: ‘Hindi po totoong pineperahan lang niya ako’

Elsa Droga on boyfriend: ‘Hindi po totoong pineperahan lang niya ako’

Elsa Droga defends boyfriend Charles Daniel.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/26/2018 8:32 AM
Elsa Droga on boyfriend: ‘Hindi po totoong pineperahan lang niya ako’


Photo credit: @elsa_droga (L) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, ibinahagi ni Elsa Droga kung ano ang huling habilin sa kanya ng lola niya bago ito pumanaw. Ani Elsa, “Ingatan mo ang sarili mo. Yung mga bagay na tinuro ko sa ’yo, galingan mo lang and sana bago ako mawala, maging maganda na at maayos na ang buhay mo.”

Sinagot naman daw niya ang Lola niya ng, “Nay, kahit na anong mangyari gagawin ko lahat ng paraan, maiahon ko lang ang pamilya namin.” 

Ngayong malayo na ang narating ni Elsa at nakakatulong na sa pamilya, marami namang bumabatikos sa masayang love life niya at sinasabing ginagamit lang siya ng kanyang boyfriend na si Charles Daniel.

Depensa ni Elsa kay Charles, “Nakilala ko si Charles Daniel, parehas kaming mahirap. Wala kaming pera. Kumukuha lang kami ng pera sa mga contest lang din. So siya pa yung gumagawa ng paraan. Siya yung nagmu-music sa akin, nag-aasikaso, nag-aalalay, siya lahat. Kaya sa lahat po ng nagsasalita ng masama kay Daniel, hindi po totoong pineperahan lang niya ako.”