• Home
  • Fresh Scoops
  • Steven Paysu, kinwento nang magkaroon ng tongue cancer ang misis

Steven Paysu, kinwento nang magkaroon ng tongue cancer ang misis

Steven Paysu, gustong maka-duet si Jaya

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/25/2018 11:45 AM
Steven Paysu, kinwento nang magkaroon ng tongue cancer ang misis


Photo credit: @iamstevenpaysu on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, ibinahagi ni Tawag ng Tanghalan finalist Steven Paysu ang isa sa pinakamabigat na pagsubok na naranasan niya at ng kanyang pamilya. Ito yung nagkaroon ng tongue cancer ang kanyang asawa na si Melanie.  Sinabi daw sa kanya noon ni Melanie na, “Babe, kahit umiinom ako ng gamot hindi nawawala yung sakit.” Dagdag pa ni Steven, Tapos yung dila niya parang nagde-deform na.”

Nalampasan naman daw ito ni Melanie. “Bilib ako kay Melanie kasi parang wala lang sa kanya. Pag meron kang Diyos, wala lang sa ’yo lahat yun e. Pero ako... devastated na ako nun e.”

Ngayon daw ay cancer-free na si Melanie.

Kung may gusto namang maka-duet si Steven, ito ay si Jaya dahil, “napapanuod ko siya e... she sings from the heart.” Dream concert venue din ni Steven ang Araneta Coliseum.