Nathalie Hart ibinalitang siya ay four months pregnant

Sinabi din ng aktres na magpapakasal na siya sa kanyang businessman boyfriend.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/25/2018 9:01 PM
Nathalie Hart ibinalitang siya ay four months pregnant


 

Ikakasal na ako this year!” Ito ang inamin ng sexy actress na si Nathalie Heart sa ipinatawag na presscon ng kanyang LVD management team sa ilang entertainment writers.

 Dinugtungan pa niya ito ng, “Buntis din po ako. Four months old na ito,” sabay himas sa kanyang tiyan.

Isang young Indian businessman na edad 25 ang tatay ng magiging anak niya at kanyang pakakasalan sa December sa Australia.

The whole time, nung nagsu-shoot ako ng Abay Babes, pregnant na ako non. Hindi lang ako nagsasalita. And then the whole time na nagte-taping ako for Blood Sisters at yung last shooting day namin ng Kusina Kings and yung movie namin ni Diether Ocampo, buntis na ako nun.

 “Walang nakakaalam na mga tao. Sinasabi ko, bakit ko ipapaalam? Ipapaalam ko na lang pag buo na. Kasi kung first two months pa lang puwede pang… ngayon four months na ako, I’m okey, I’m happy.

Happy naman ako sa relationship ko, sa life ko, sa career ko, parang nagkasabay-sabay. It’s just overwhelming for me. Excited din akong magka-baby.

Ano’ng reaksyon niya nang malamang buntis siya?

I cried nung una. Sabi ko, ‘My God, hindi ko akalaing mabubuntis ako. Kala ko hindi rin ako… ayaw mag-concieve kasi I had problems in my system before, in my cervix,” she said.

Eh, paano na ang kanyang work sa showbiz?

I have to stop working  kasi by August, pang fifth month, sixth month na ako, wala na ring tatanggap sa akin na malaki yung tiyan ko. After siguro I give birth, if people are still interested with me magwo-work pa rin ako,” pahayag ni Nathalie na halatang excited sa bagong chapter ng kanyang buhay.