• Home
  • Fresh Scoops
  • Kilalanin ang Pinoy na miyembro ng French football national team

Kilalanin ang Pinoy na miyembro ng French football national team

Isang proud Pinoy ang Goal Keeper ng France

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/25/2018 11:57 AM
Kilalanin ang Pinoy na miyembro ng French football national team


Photo credit: @areolaofficiel on IG

 

Panalo ang France sa katatapos lang na FIFA World Cup at isa sa miyembro ng French national team ay ang 25 year-old Pinoy na si Alphonse Areola. Pinoy mga magulang ni Alphonse pero ipinanganak at lumaki siya sa Paris, France.

Ayon sa ulat ng TV Patrol, dumalo siya nitong weekend sa London Barrio Fiesta at masayang bumati sa mga Pinoy. “Hello everyone. It’s Alphonse. I’m happy to be here. Mabuhay ang Pilipinas.”

Sinabi rin ng kanyang half-Pinay na misis na mahilig siya sa Pinoy food. “He loves when I cook him sinigang and of course adobo. He’s really really proud to be a Filipino.” 

Mahilig din si Alphonse sa isa sa mga sport na kinahihiligan ng mga Pinoy. “He loves football but he loves, loves, loves basketball. I was telling him that if he was not a football player he can be a basketball player.” 

Ayon sa ulat, temang Pinoy ang mga tattoo ni Alphonse.