• Home
  • Fresh Scoops
  • Janine Gutierrez sa pagpapakasal ni Lotlot De Leon: ‘Hindi ko in-expect na mag-aasawa ulit si mama’

Janine Gutierrez sa pagpapakasal ni Lotlot De Leon: ‘Hindi ko in-expect na mag-aasawa ulit si mama’

Excited na din si Janine Gutierrez sa planong pagpapakasal ng kanyang ina.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/25/2018 9:55 AM
Janine Gutierrez sa pagpapakasal ni Lotlot De Leon: ‘Hindi ko in-expect na mag-aasawa ulit si mama’


Photo credit: @janinegutierrez on IG

 

Masayang-masaya si Janine Gutierrez na magpapakasal na ang mama niyang si Lotlot de Leon sa Lebanese boyfriend nito for six-and-a-half years na si Fadi El Soury.

Nag-propose kamakailan si Fadi kay Lotlot at tinanggap naman ito ng aktres.

Oh, my God, oo nga! Excited. Ang mahalaga naman po talaga sa akin yung kaligayahan niya and I know, she’s very, very happy.

Kasi pagka-propose pa lang, tinawagan na niya kami agad na magkakapatid, na binigyan nga daw siya ng singsing and she’s very happy, so happy po kami para sa kanya,” bulalas ni Janine.

Ini-expect ba niya na aabot sa kasalan ang relasyon ng mom niya at ni Fadi?

Honestly, hindi ko po in-expect. Hindi ko in-expect na mag-aasawa ulit si mama. Pero siyempre, ang hangad ko lang talaga para sa kanya ay may makasama siyang tumanda, yung happy siya sa love life niya.

So ito na siguro yung pinaka-final step para masabi na nakahanap na nga siya ng forever niya,” sagot ng aktres.

Hiningi pa ba ni Lotlot ang permiso nilang magkakapatid about the wedding?

Aniya, “Hindi po. Nagulat din kami talaga. Pero siyempre, hindi na naman po siguro kailangan na hingan kami ng paalam dahil si mama yon, eh.

Siguro baligtad, kung may magpo-propose sa akin, kailangang magpaalam kay mama, pero kung si mama, hindi na po kailangan.”

Ano naman ang naging reaksyon ng papa niya (Ramon Christopher) sa naging desisyon ina?

Okey naman, okey naman. Kasi okey naman po sila ni mama, eh. Nagkakasama pa rin po kami pag merong may isang may birthday sa amin or anything, so okey naman sila. And alam ko naman na forever na yung pagmamahal ni papa kay mama at kasama na do’n yung gusto niya ng maging masama si mama.”

Eh, ano naman ang masasabi niya sa “future stepdad” niya?

I really like him dahil talagang inaalagaan niya si mama. Talagang ramdam ko na kahit busy ako sa taping at kulang ako sa dalaw kay mama, alam ko na talagang may nag-aalaga kay mama at masaya siya,” lahad pa niya.

Nakausap ng PUSH si Janine sa presscon ng TV series na Victor Magtanggol na pinagbibidahan ni Alden Richards.