Amy Perez at Iza Calzado mananatiling Kapamilya

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/25/2018 12:21 PM
Amy Perez at Iza Calzado mananatiling Kapamilya


 

Nag-renew ng kanilang kontrata sa ABS-CBN sina Amy Perez at Iza Calzado.

Masaya ang dalawang kapamilya personalities sa pagpapatuloy ng mga shows at bagong projects na parating sa kanilang career.

 

Chang Amy Perez @amypcastillo renews contract with ABS-CBN #amyperez #kapamilya

A post shared by Push (@pushalerts) on

Very happy, very thankful sabi nga ni Vice [Ganda] dito na ako magkaka menopause sa ABS-CBN, but I’m happy, thankful, and grateful for this opportunity na makapag trabaho sa ABS-CBN siyempre,” sabi ni Amy.

Gaya ni Amy, renewal of contract din ang pinirmahan ni Iza.

 

Iza Calzado @missizacalzado renews contract with ABS-CBN #IzaCalzado #kapamilya

A post shared by Push (@pushalerts) on

Matagal na namin pinag-usapan ito. Marami mga inayos pero sabi nga namin ni direk Lauren [Dyogi] parang marathon daw, but I’m so thankful and today is a perfect day,” sabi pa ni Iza.

Bukod sa regular hosting sa Umagang Kay Ganda, Sakto sa DZMM at daily noon time show, handa na din daw si Chang Amy sa pagbibigay saya sa mga kababayan sa Amerika kasama ang Showtime family.

Balita nga namin sold out na ang tickets. Siyempre meron kaba for me dahil the last time na ginawa ko ito was during MTB pa pero again and again nagpapasalamat pa rin ako sa mga madlang people,” ani pa ni Chang Amy.

Si Iza naman, isang teleserye at pelikula ang pagkaka-abalahan.

Marami nga nagtatanong di ko naman sinasagot sa Instagram na kapamiiya pa rin ako. As a matter of fact, I’ve been on hold for two projects since last year. Nagsimula na pero hindi pa ako nagsisimula for the projects.”

Kasama sa gagawin ni Iza ang serye kasama ang JoshLia tandem sa una nilang lead role sa telebisyon.