Willie Revillame, bumisita sa bahay ni Kris Aquino

Ano kaya ang dahilan ng pagbisita ni Willie Revillame kay Kris Aquino?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/24/2018 9:41 AM
Willie Revillame, bumisita sa bahay ni Kris Aquino


 

Dalawa ang purpose ng pagpunta ni Willie Revillame nung isang araw sa bahay ng Online World at Social Media Queen na si Kris Aquino sa Quezon City.

Ito ay para dalawin ang panganay ni Kris na si Joshua na kadi-discharge lang sa hospital noong Thursday, July 19.

Matatandaan na sumailalim si Josh sa executive check-up at sa iba’t ibang test para malaman kung ano ang problema nito sa stomach na sobrang ikinabahala ni Kris.

Tuwang-tuwa si Joshua nang makita niya ang TV host/singer na kung tawagin niya ay Tito Willie. Napakanta pa nga si Josh ng ilang hit songs niya pagkakita dito.

Binigyan din ni Willie ng CD at jacket si Josh.

Isinakay din ni Willie si Josh sa kanyang Ferrari at inilibot within the area of Greenmeadows subdivision.

Sa video na ipinadala sa amin, kitang-kita kung gaano kasaya si Joshua habang nakasakay sa Ferrari ni Willie. For personal purposes ang video kaya hindi daw ito ia-upload sa social media.

Anyway, ang isa pang purpose ng pagdalawa ni Willie sa bahay ni Kris ay ang naka-schedule na miting ng dalawa. Ang balita namin, may nilulutong project sina Willie at Kris pero wala pang detalye tungkol dito.

Samantala, paalis ng bansa si Kris Aquino para sa isang endorsement shoot na gagawin sa Indonesia.