• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta, ni-launch ang kanyang social media network project

Sharon Cuneta, ni-launch ang kanyang social media network project

Ayon kay Sharon Cuneta, ang social media ang kanyang paraan para mag reach out sa kanyang mga fans.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/24/2018 11:54 AM
Sharon Cuneta, ni-launch ang kanyang social media network project


Photo credit: @reallysharoncuneta on IG

 

Kasabay ng kanyang 40th year anniversary sa show business, inilunsad ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang Sharon Cuneta Network.

Kuwento ni Mega, ito ang kanyang paraan para mag-reach out sa kanyang mga tagahanga.

 

“We have the webisodes talaga na hindi katulad in my IG where I go Live to keep in touch with my fans. Na touch ako na (the fans) they’re getting younger aside from the ates, the titas and lolas I grew up with and ka-age ko. Ngayon talagang young once na talaga mga anak ng mga Sharonians,” bungad ni Sharon.

Aniya, hindi din umano niya akalain na magtatagal siya sa industriya ng 40 years.

“40 na! I started in 1978 at twelve d’i ba? Tawag Ng Pag -big tapos ‘Mr DJ’. 1981 my first movie, I was 15. My God!”

Ayon pa kay Sharon, minsan na din niyang inakala na patapos na ang kanyang karera sa industriya.

“I took a long break, I got fat, akala ko tapos na [ang showbiz career ko] and then God in his goodness gave me another chapter my goodness (laughs). Parang it doesn’t end,” sambit ni Sharon.

“You’ll never know, everyone naman goes through that. Kahit sa Hollywood. Tapos magugulat ka na lang may hit na uli. Ganun ang ginagawa ni Lord sa akin. Ang taba ko pa noong Unexpectedly Yours,” pahayag pa ni Sharon.

Bukod sa launching ng kanyang social media networks, naghahanda na din si Sharon para sa Manila Leg ng kanyang 40th Anniversary Concert sa Araneta Coliseum ngayong September 28, 2018.