KC Concepcion, aminadong miss na ang showbiz

Happy daw ngayon si KC Concepcion sa pag-explore sa kanyang bagong career bilang businesswoman.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/24/2018 11:46 AM
KC Concepcion, aminadong miss na ang showbiz


Photo credit: @itskcconcepcion on IG

 

All smiles si KC Concepcion sa naging panayam sa kanya ng PUSH at ABS-CBN News sa launch ng kanyang latest nail polish collaborations sa Happy Skin cosmetics.

Kuwento ni KC, hands on siya sa kanyang bagong career bilang isang businesswoman.

“First time ko naramdaman na involved talaga ako doon sa produkto. Parang ngayon lang ako gumawa ng product na binigyan ko ng time, binigyan ko ng ideas, yung ako talaga yung umupo, kinarir ko. Parang ang sarap lang sa pakiramdam na mayroon akong binibigay sa tao na talagang sariling atin,” bungad ni KC.

Aminado si KC na dumarating ang time na nami-miss niya ang maging aktibo sa showbiz.

“Nakaka mis talaga ang showbiz, pero siguro andito lang ako sa time ng life ko na I want to [explore], kasi product endorser ako nag start, commercial model ako nag start, sabi ko sa kanila na involved talaga ako doon sa product,” sabi pa ni KC.

Hindi man daw madalas na mapanuod sa mga TV shows ang aktres, interesado pa din din daw siya sa movie projects na dumarating sa kanya.

“Movies talaga ang pangarap ko na magawa these day. Pangarap ko na makatrabaho si Direk Irene [Villamor] na dating ka trabaho ko, with Direk Joyce Bernal and Direk Tonette Jadaone na mga friends ko din,” sabi pa ni KC.

Abala man daw ngayon sa kanyang mga negosyo, aminado din si Kc na inspirado siya ngayon pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

Ayon kay KC, isang non showbiz guy ang bagong nagpapasaya sa kanya ngayon.

“Yes, I’m inspired. Non-showbiz siya and mahal siya ng pamilya ko, and I think nagkaka-sundo kami ng pamilya niya,” pahayag pa ni KC.