• Home
  • Fresh Scoops
  • Joyce Bernal on directing SONA 2018: ‘Nakaka-tense talaga’

Joyce Bernal on directing SONA 2018: ‘Nakaka-tense talaga’

Joyce Bernal, pinagmalaki ang direksyon ng SONA 2018

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/24/2018 9:00 AM
Joyce Bernal on directing SONA 2018: ‘Nakaka-tense talaga’


 

Sa ulat ng TV Patrol, pinagmalaki ni Bb. Joyce Bernal ang direksyon niya ng State of the Nation Address 2018. Ayon sa ulat, 19 ang mga camera na ginamit ni direk Joyce. Anya, “Nakaka-tense talaga. Si direk Brillante (Mendoza) ang mga insert niya lang, mga black and white. Kami naman po color at saka tiningnan talaga namin yung framing ni President na magaganda.”

Paliwanag din niya tungkol sa tinutukoy niyang framing, “Hindi yung framing ng mukha niya ha, yung mas magagandang interactions with the people.”

Ginamitan din ng cinematographer na si Zech Sycip ng beauty light ang Pangulo. “May beauty light tayo sa podium na wala pa yatang gumagawa nun. Tina-try naming soft light to make it beautiful.”

Hindi lang daw nagawa ang drone coverage dahil sa bawal ito sa seguridad ng Pangulo.