• Home
  • Fresh Scoops
  • JM De Guzman sa harutan nila ni Barbie Imperial sa ‘Araw Gabi’: ‘Masaya ako na maraming tao ang nakaka-connect’

JM De Guzman sa harutan nila ni Barbie Imperial sa ‘Araw Gabi’: ‘Masaya ako na maraming tao ang nakaka-connect’

Nagbigay pahayag din si JM De Guzman sa isyu ng hindi pagkakaintindihan ni Barbie Imperial sa boyfriend nito na si Paul Salas.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/24/2018 11:39 AM
JM De Guzman sa harutan nila ni Barbie Imperial sa ‘Araw Gabi’: ‘Masaya ako na maraming tao ang nakaka-connect’


Photo credit: @1migueldeguzman (L) on IG

 

Napapanuod ngayon si JM De Guzman sa hit afternoon telerserye na Araw Gabi kasama si Barbie Imperial.

Kuwento ni JM, thankful daw siya sa mainit na pagtanggap sa kanya.

“Masaya ako na maraming tao ang nakaka konek, nadadala doon sa mga scenes and doon sa team effort actually. Pinaghirapan yun ng buong team and we keep on doing our best,” sabi ni JM sa set visit ng kanyang upcoming movie na Kung Paano Siya Nawala kasama si Rhian Ramos

Happy din daw si JM sa mga viewers na naapektuhan sa mala-totohanan na pag-iibigan nila ni Barbie sa Araw Gabi.

“(Laughs) Alam ko parang hindi pa yon ang priorities namin, pero nakakakilig dahil ganun yung iniisip nila,” sambit pa ni JM.

Bilang isang kaibigan naman,aminado si JM na humihingi si Barbie minsan ng payo sa kanya lalo na sa personal nitong buhay.

Kaya naman nang tanugin si JM tungkol sa maugong na balitang hiwalayan umano ni Barbie at Paul Salas ito ang kay ang naging tugon.

“Ayaw ko muna siguro mag comment sa isyu nila, pero sa tingin ko na ha-handle naman nila ng maayos.”

Nang tanungin din si JM kung may pinagdadaanan nga ba ngayon si Barbie at Paul, sagot niya, “Sa tingin ko. Tingin ko pero feeling ko naman maayos na din.”