• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales on her love life: ‘Yung personal mong buhay sa’yo na lang’

Erich Gonzales on her love life: ‘Yung personal mong buhay sa’yo na lang’

Erich Gonzales, nagkuwento tungkol sa pagkupkop sa kanya ni Kris Aquino.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/24/2018 9:04 AM
Erich Gonzales on her love life: ‘Yung personal mong buhay sa’yo na lang’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, tumangging magbigay ng update si Erich Gonzales tungkol sa lagay ng kanyang puso. “Dumadating pala sa punto habang tumatanda tayo na gusto natin ng tahimik na lang na buhay. Na kung ano yung sa ’yo, yung personal mong buhay sa ’yo na lang. Puwede naman pala, may choice ka.” 

Nagkuwento din siya tungkol sa pagkupkop sa kanya ni Kris Aquino nung siya ay nagkasakit. Ayon kay Erich, nagkasakit siya pagkagaling niya ng Scotland tapos dumiretso siya sa taping.

“Magkausap kami nun ni Ate Kris, sabi niya okay susunduin kita sa house mo. Dito ka na muna. Kasi alam niya po yung family ko nasa Davao ‘di ba? Para daw po may tumutok, mag-alaga. Pinapunta niya pa po yung mga doctors dun sa house niya.”

May pelikula din si Erich na co-produced niya, ang We Will Not Die Tonight. Nagkomento si Erich dahil sa mga taong kinukumpara ang pelikula niya sa Buy Bust ni Anne Curtis, “It’s nice na nabibigyan ng chance ang mga kababaihan ngayon na maging female-centric naman yung mga action films.”