Robin Padilla on politics: 'Hindi ako para dun'

The Sana Dalawa ang Puso star explains why he is happy with showbusiness.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

7/23/2018 8:25 AM
Robin Padilla on politics: 'Hindi ako para dun'


 

Even though he has always been vocal about his opinions and advocacies, Sana Dalawa ang Puso actor Robin Padilla insisted he has never considered getting into politics mainly because he prefers to work for his family. 

Ang pulitika kasi hindi niya maibibigay ang kinikita ko. Kasi hindi naman ako papasok sa isang trabaho na yung mga anak ko nag-aaral sa abroad. Pag ako ginawa mong senador magkano lang ang suweldo nun. Uuwi yung lahat ng anak ko dito. Magagalit sa akin yun. Sasabihin nila, ‘Anong nangyari?’” he shared.  

Robin revealed that unlike other actors-turned-politicians, he would never say goodbye to showbiz for politics. 

Siyempre hindi ko isa-sakripisyo ang showbusiness. Mahal na mahal ko itong trabahong ito at nakakatulong naman ako ng direkta pa. Kasi nakita ko naman yan sa pulitika ang tagal ng red tape. Pag may humingi na tayo, dadalhin yung sulat sa ganito, bago makarating yung tao, namatay na, humihingi ng pang-ospital eh ang mangyayari babalik na lang pang-burol na lang ang kailnagn. Ganun kabagal ang bureacracy. Eh ang sitwasyon ko ngayon ang bilis eh. 'Pag may humingi ng tulong sa yo yun na kagad eh. Hindi ka naman humihingi ng pabalik. Yung pulitika sa tabi lang yan,” he further explained. 

Although he is aware that he is popular in public polls, Robin said it is really not in his plans. 

Madaming nagsasabi mataas daw ako sa ratings, hindi pa ako nagdedeklara. Pag nagdeklara mas mataas pa. Ang tanong, anong gagawin ko dun? Upakan ko yung mga makukulit? Kasi yun lang naman ang alam ko sa buhay ko, mang-upak. Eh minsan lang ako manunuod ng hearing dun sumasakit ang ulo ko. Isang word lang pagtatalunan ng limang oras. Pambihira. Hindi ako para dun,” he admitted. 

The action star would rather focus on his craft than go to a new industry. 

Mahirap pagka ganun ang usapan pero ako, tandaan niyo po yan, hindi ko linya yan. Siguro linya yan ng kapatid ko si kuya Rommel. Siya talaga ang politiko kasi siya ang board member, siya lang. Isa lang. Kasi ayoko rin ng political dynasty.  Hindi din ako naniniwala dun. Yung para kay Rommel, para kay Rommel. Yung para sa akin, para sa akin,” he stated.