EXCLUSIVE: Erik Matti ayaw nang sumali sa MMFF

Sinabi ng BuyBust director na sinubukan niya na isali sa Metro Manila Film Fest noong 2017 ang pelikulang pinagbibidahan ni Anne Curtis.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/23/2018 8:33 AM
EXCLUSIVE:  Erik Matti ayaw nang sumali sa MMFF


 

Originally, intended pala dapat sa Metro Manila Film Festival ang pelikulang BuyBust ni Direk Erik Matti na pinagbibidahan ni Anne Curtis. Ito ang ipinagtapat ni Direk Erik sa PUSH.

“Sinubmit namin ito noon sa MMFF. Yung script ha,  script lang. Two years ago.

“I mean, siyempre hindi ko naman mapa-promise nung time na yon kung anong mangyayari sa BuyBust kasi script lang yung sinubmit namin. Hindi ko naman masasabi na maganda ito, na tatauhin ito at maraming manonood nito kasi maganda naman yung project,  di  ba? Kasi papel lang siya, eh,” pagtatapat ni Direk Erik sa amin.

Nasaktan daw siya na hindi nakapasa sa MMFF ang script ng kanyang pelikula.

“Kahit gaano mo pa iniisip na, ‘Sige, okey lang yan na hindi natanggap,’ masakit pa rin na hindi ka tinanggap. Parang ang sinasabi, hindi maganda ang pelikula mo over all the others na pinili” rason niya.

“Kaya ito ngayong OTJ (On The Job), di ba ginagawa namin, napag-usapan na naman, ‘O, submit natin sa…’ Ayoko na… ayoko na. Kasi napapahiya ako, eh. Nagmumukhang pangit yung pelikula na ginagawa namin, eh. Kasi di  ba, hindi siya na-consider, hindi siya napili,” dagdag niya.

Inamin din ng BuyBust director nawala na siyang interes sumali sa MMFF bilang director ng isang pelikula.

Aniya, “Hindi na. Itong ngayon, hindi na kami nag-submit, hindi na ako nag-submit. I mean, magsa-submit as a company for negosyo, magsa-submit kami na hindi ako yung director, okay lang yon. Pero ako, personally, ayoko nang sumali.”

Going back to BuyBust, inabot daw ng halos $1.6M ang budget ng pelikula.

Pag-amin ng director, “It’s quite expensive, I don’t know if I can divulge, but ang bait-bait nga ng Viva sa akin, eh. We started with hindi naman ganun kalaking budget, but of course, gusto naming maganda."

Eh, bakit inabot ng ganun kamahal?

“We built the entire set sa isang 8,000 square meter area, we built the set there. Everyday we have rain, so naisip na namin na mag-setup ng pool don sa location, so that we always fill it up with water because lagi namang may ulan.

“We always have a crowd of people in every scene. They’re  not just normal crowd people na passers by, most of them are eventually gonna be stunt men because they’re also be the one running around.

“Hindi siya crowd scene na parang palengke na, ‘Okay, lakad kayo diyan.’ Hindi siya ganun. They have things that they need to do in the scene.

“We have… one to sawa yung bala sa baril. And imagine, one piece of bullet is P50. Sa opening ng film, may isang shoot out na ang naubos sigurong bala ay mga 10,000 rounds kasi tuluy-tuloy lang yung take and that is just one scene, we have other scenes. We have explosions.

“The camera requirement and the lighting are medyo  madugo. We have four cameras on the set at siyempre, apat din yung camera man namin. Pero makikita naman nila sa pelikula yung nagastos namin, na hindi kami nagtipid,” huling pahayag ni Direk Erik sa PUSH.