• Home
  • Fresh Scoops
  • Michelle Vito, hindi naman daw nababagalan sa takbo ng kanyang career

Michelle Vito, hindi naman daw nababagalan sa takbo ng kanyang career

Paano naging magkaibigan sina Michelle Vito at Jon Lucas?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/22/2018 8:58 AM
Michelle Vito, hindi naman daw nababagalan sa takbo ng kanyang career


 

Malapit palang magkaibigan ang dalawang bida ng pelikulang Dito Lang Ako na sina Hashtag Jon Lucas at Michelle Vito. Six years na raw silang magkaibigan ayon pa kay Michelle.

 

“Nag-start kaming maging friends nu’ng sabay kaming i-launch sa Star Magic Circle 2013. Siguro nagkasundo kami Jon kasi pareho po yung personality namin na makulit. Parang hindi kami nagso-showbizang dalawa.

 

“Naging close po yung family namin kasi ako, lagi kong kasama si mommy na nagwe-wait sa workshop ko noon and then yung mommy din po ni Jon at si daddy niya madalas pong magkakasama,” kuwento ni Michelle sa pinagsimulan ng kanilang pagkakaibigan.

 

“Nung namatay nga po si Tita (mom ni Jon), nung dumalaw ako sa wake, ako pa yung mas iyak ng iyak kesa kay Jon,” hirit pa ng dalaga na medyo natatawa.

 

Iginiit din ng dalaga na hindi rin nauwi sa pagiging “more than friends” ang kanilang pagkakaibigan.

 

Katwiran ng dalaga, “Siguro may mga kaibigan ka talaga na kahit lalaki o babae at magkaiba kayo ng gender, may hanggang friends lang talaga. Like ako, madami akong malalapit na lalaking kaibigan at masasabi ko na hanggang don lang talaga kami.”

 

Sa six years sa showbiz ni Michelle, hindi ba siya nababagalan sa takbo ng kanyang career?

 

“Ako, okey lang po ako, eh. Hindi naman po ako nababagalan. Baka iniisip nila na napag-iiwanan ako kasi ka-batch ko sina Liza (Soberano), Julia (Barretto). Pero kasi naniniwala ako sa tamang timing talaga.

 

Time nila ngayon, time nina Julia ngayon, nina Liza, so naniniwala ako na darating din yung time para sa akin. Kung ano yung dapat para sa akin,” rason niya.

 

Patuloy pa ni Michelle, “At saka nag-aaral din po kasi ako. Hindi lang ako yung naka-focus sa sa showbiz lang. Gusto ko na may ginagawa rin akong iba. Siguro kahit may teleserye akong ginagawa, hindi ako mag-i-stop sa pag-aaral.

 

Regular student po ako sa Benilde taking up Human Resource Management. Third year na po ako at patapos na ako next year.

 

“Siguro po pag naka-graduate na ako, mas makakapag-focus na talaga ako sa showbiz. Since hindi pa naman ako ganun ka-busy, kaya ko pang mag-aral talaga, bakit hindi?

 

“Hindi ko naman po masasabi na walang-wala talaga akong project. Meron naman po.”

 

Ngayon ay bida na si Michelle sa Dito Lang Ako at kapareha pa niya ang kaibigan si Jon.

 

“Ito yung wini-wish ng kahit sinong artista. Six years ko rin po siyang hinintay na mangyari sa akin.”

 

Gaganap si Michelle bilang batang Boots Anson-Roa sa Dito Lang Ako.

 

“Ako, sanay ako na ang role ko kapatid, mean girl ako. Hindi ako sanay na may ka-love team talaga, na sa amin nakapokus yung kuwento.

 

“Masaya ako na dahil nga magkaibigan kami ni Jon, walang awkwardness sa aming dalawa,” sambit pa niya.

 

Eh, paano niya naman sinuportahan ang kaibigang si Jon sa mga pinagdaanan nito sa buhay?

 

“Lagi ko siyang tini-text agad na, ‘Uy kumusta, balita ko ganito, ganyan. Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako.’ Lagi ko namang sinasabi yon and then mag-uusap kami. Ikukwento niya sa akin kung minsan, kapag komportable siyang ikuwento o i-share yung nangyayari sa kanya,” huling pahayag ni Michelle.