• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariel Rodriguez, may pinagselosan na ‘nasa morning show’

Mariel Rodriguez, may pinagselosan na ‘nasa morning show’

Mariel Rodriguez: ‘I’m cool but not that cool.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/21/2018 9:20 AM
Mariel Rodriguez, may pinagselosan na ‘nasa morning show’


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni It’s Showtime host Mariel Rodriguez na ayaw na ng asawa niyang si Robin Padilla na masundan pa ang anak nilang si Isabella. “Kasi it was really difficult for me to maintain my pregnancy. Nakita niya yung hirap so parang he doesn’t want me to go through that again. Pero ako gusto ko pa.”

Nang tanungin kung sino ang masusunod sa kanila ni Robin, sinabi ni Mariel na, “Malalaman natin, Tito Boy, kung sino ang masusunod. Not anytime soon, siguro when Isabella’s mga three ganyan. Pero hindi pa alam ng asawa ko. I’m still working on it.”

Inamin din ni Mariel na minsan ay may konting selos pa rin siya. “Wala namang ginagawa si Robin, ang sama ko naman kung magselos pa ako. Pero merong time na parang, ‘Ay naglalandian ba ‘tong mga ‘to?’”

May hint din si Mariel kung sino ang babaeng pinagselosan niya. “Nakakahiya naman sabihin kasi married yung girl. Saka nasa morning show siya.” Dahil din sa babaeng ito, kaya nasabi niyang, “‘Kanina mo pa nilalandi si ano ha.’ Sabi niya, ‘Hindi ko nilalandi yun no,’ tapos parang walang nangyari nanuod kami ulit.”

Giit naman ni Mariel na wala namang basehan ang pagseselos niya. “Siguro wala lang, not even worth talking about.” Pero kailangan din daw niyang sabihin kay Robin, “para alam niya na may limitation na tayo. I’m cool but not that cool.”

Nang tanungin kung may pinagseselosan din si Robin, sabi ni Mariel, “I’m so careful because ayaw ko talaga ng gulo at babae ako, Tito Boy, hindi maganda.”