Kris Aquino, naiyak sa pagkikita nila ni Vice Ganda

Nagyakap sina Vice and Kris sa special screening ng I Love You Hater sa Trinoma.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/21/2018 11:49 PM
Kris Aquino, naiyak sa pagkikita nila ni  Vice Ganda


 

Natuldukan na rin sa wakas ang isyung may gap sina Kris Aquino at Vice Ganda.  Nagkita ang dalawa kagabi sa Trinoma at sabay silang nanood ng "I Love You, Hater."

Magpapa-block screening sana si Vice para sa "I Love You, Hater" sa Trinoma kaya lang dahil punuan ang mga sinehan ay hindi siya nabigyan ng schedule. Ang ginawa na lang ni Vice ay bumili ng maraming tiket at ipinamigay sa kanyang mga kaibigan na gustong manood ng pelikula kagabi kaya hayun, mistulang block screening na rin ang nangyari.

Bago nagpunta ng Trinoma ay nag-post pa si Kris sa kanyang Instagram account na meron silang imi-meet ni Bimby na super love daw ng kanyang anak.

By now- you know me... lahat kayang isantabi para sa happiness ng mga anak ko. Si kuya josh okay na... Tonight I know this is for Bimb.  Nag invite ang isang super love ni Bimb- sa gitna ng ulan- sugod na kami para manuod ng “I Love You Hater” kasama nya... Join din si ate @juliabarretto na SUPER LOVE ni Bimb.”
Si Vice na pala ang tinutukoy ni Kris sa kanyang post.

Kasunod niyang post, “My heart overflows w/ happiness because my 2 sons are now happy. Tigilan na po natin ang paghusga- yakapin natin ang kayang gawin ng mga adults para mapaligaya ang mga naipit na bata... #ichooselove #family”

Sa IG Live ni Kris, nakitang  nagyakap nang mahigpit sina Vice at  Bimby. Halatang na-miss nila talaga ang isa’t isa.

Niyakap din ni Kris nang mahigpit si Vice habang panay ang sabi na she’s very happy dahil masaya na si Bimby. Hindi rin napigilang mapaiyak ni Kris nang yakapin si Vice. Nag-group hug din ang tatlo.

Samantala, kasama rin nina Vice, Kris at  Bimby that night na nanood ng "I Love You, Hater" sina Joshua Garcia at Julia Barretto na bida rin sa pelikulang idinirek ni Giselle Andres at ang ang mom ni Vice na si Nanay Rosario.