• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Zeus Collins, hindi sinasadyang maging mapanukso sa dance floor

EXCLUSIVE: Zeus Collins, hindi sinasadyang maging mapanukso sa dance floor

Ayon kay Zeus Collins, mas gusto ng kanyang followers ang mga sexy dance covers daw niya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/21/2018 11:10 AM
EXCLUSIVE: Zeus Collins, hindi sinasadyang maging mapanukso sa dance floor


Photo credit to: @hashtag_zeuscollins IG

 

Pinaninindigan ni Hashtag Zeus Collins na hindi muna siya tatanggap ng daring roles sa pelikula not unless babae ang kapartner niya.

Kung babae, okay lang. Walang problema don. Pero kung lalaki sa lalaki, parang teka muna,” natatawang pahayag ng binata.

Si Zeus ang leading man ni Kakai Bautista sa comedy-fantasy film na Wander Bra na prinodyus ng Blue Rock Entertainment at idinirek naman ni Joven Tan.

Kung gusto raw siyang makita ng fans na nagapapaseksi, sundan na lang daw ang post niya sa Instagram.

Nagagawa ko pa rin naman yon sa IG ko. Ngayon nga, minsan sa mga dance covers ko, may mga sexy dance.

“Pero siguro yung sa movie, kung bibigyan ako ng trabaho, okey lang din kasi trabaho naman, pero kung talagang alam ko na medyo ano na, hindi muna siguro,” giit pa ng binata.

Ano ang reaksyon niya kapag sinasabi na mapanukso siyang magsayaw? Sinasadya ba niya ito?

Ani Zeus, “Siguro ganun lang ako lalo na pag sumasayaw. Gusto ko yung parang medyo may pagka-Channing Tatum, di ba? Magic Mike yung dating lalo na pag sumasayaw. Ganun ang ako, eh.

Hindi ko sinasadya yon. Basta ako, ang lagi kong ini-express yung feelings ko sa sayaw talaga lalo na kapag nakakarinig ako ng music tapos nagugustuhan ko.

Kasi ako, kahit anong music ang iparinig mo sa akin, talagang gagalaw at gagalaw ako, eh. Para akong adik na sa music. Hindi ako nakakatulog, hindi ako nakakabiyahe ng wala akong music.

Aware ba siya na lumalakas ang sex appeal niya sa mga sexy dances niya?

Medyo. Kasi mas nakukumpara ko yung mga hip-hop kong sayaw pag nag-a-upload ako kesa don sa mga paseksing sayaw sa views at sa comments.

Na-ano ko na, ‘Oh, ba’t parang mas gusto nila yon?’ Pawis na pawis na ako dito sa katatambling sa hip-hop, pero kumembot, gumiling lang ako mas marami ng views. Kaya minsan, mas ginagawa ko yung ganung dance,” natatawang pahayag ni Zeus sa PUSH.