• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman hopes to work with Christian Bables on a gay film

EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman hopes to work with Christian Bables on a gay film

Idinetalye din ni Edgar Allan Guzman kung anong klaseng role ang gusto niya ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/21/2018 10:44 AM
EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman hopes to work with Christian Bables on a gay film


Photo credit to: @ea_guzman IG (L) and @christiaaan06 IG (R)

 

Sa interbyu ng PUSH kay Edgar Allan (EA) Guzman sa presscon ng Pinay Beauty (She’s No White) ay ibinahagi ng aktor kung ano role na hindi pa niya nagagawa at gusto niyang i-portray sa mga susunod na projects.

Gusto ko yung may sakit like yung may epilepsy, like kay Gerald (Anderson) sa Budoy,” simula niyang pahayag.

Feeling ko magagawa ko siya nang maayos. Kumbaga, isa rin siya sa mga dream roles ko na kaya kong gampanan kahit mapa-TV man o pelikula.

Kasi para sa akin, gusto ko siyang gawin kasi interesting yung role na yon and feeling ko malalaro ko. Oo, mahirap pero kakayanin ko naman siguro,” dugtong niya.

Open pa rin ba siya sa mga gay roles? His last gay role ay sa Deadma Walking kung saan nanalo siyang best supporting actor sa Metro Manila Film Festival.

Pahinga muna siguro ngayon pero hindi ko naman sinasarado yung pinto ko na tatanggihan ko lahat ng gay roles. Kumbaga, gusto lang muna naming ma-establish na kaya ko ding gumawa ng iba. Ayaw lang naming mawala yung momentum,” sagot ng aktor.

In fact, nabanggit din ni EA na gusto niyang makatrabaho si Christian Bables na bading ang role sa Die Beautiful.

Kuwento ng binata, “Nag-usap kami ni Christian Bables, sabi ko sa kanya, sana makatrabaho kita. Sabi niya, ‘Oo nga, eh, sana magsama tayo.

So, di ba, parang maganda kung pagsamahin kaming dalawa sa isang movie, di ba, na puro kabaklaan lang, kalandian. Pero siyempre dapat maganda yung story. Parang di ba, nakakatawa, parang ang saya lang.

Napanood naman natin siya sa Die Beautiful at napakahusay niya talaga. Sana mabigyan kami ng chance.

Lalaki ang role ni EA sa Pinay Beauty (She’s No White) na entry ng Quantum Films sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Siya ang gumaganap na boyfriend ng award-winning Cebu actress na si Chai Fonacier na gustong mag-undergo sa isang ‘aesthetic plan.

Type kasi ng girlfriend niya na pumuti, lumaki ang boobs, maging flawless at tumangos ang ilong, pero dahil walang pera, si EA ang gagastos.

In real life, kaya rin ba niyang gawin yon? Binibigyan din ba niya ng pera ang GF niya?
“Sumusuporta ako siyempre, pero hindi sa pera. Ako, gagawin ko lahat para lang maging masaya ang girlfriend ko. Alam naman natin yon, hindi ko na kailangang…

Saka yung nagiging ex ko naman, hindi makakapal ang mukha na, ‘Pahingi namang pera. Tumutulong ako pero hindi yung malaking-malaking pera talaga,” naiiling at natatawa niyang reaksyon.