• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro leading lady si Donna Cariaga sa bagong pelikula

Vhong Navarro leading lady si Donna Cariaga sa bagong pelikula

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/20/2018 11:51 AM
Vhong Navarro leading lady si Donna Cariaga sa bagong pelikula


Photo credit: @donnacariaga (L)/ @vhongx44 (R) on IG

 

Muli magpapasabog ng katatawanan si Vhong Navarro sa big screen sa pelikulang Unli Life na isa sa official entry ng 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Dito, dalawa ang gaganap na leading lady ni Vhong sa katauhan ng reining Reina Hispanoamericana na si Winwyn Marquez at ang Funny One season two champion na si Donna Cariaga.

Kuwento ni Vhong, masaya siya na napapayag niya na makatambal sa bago niyang pelikula ang dalawa.

“Nakakataba ng puso, Ako’y natutuwa dahil ng nilapitan namin sila para tanggapin ang project, tayo ang buminyag sa kanila sa paggawa ng pelikula,” sabi ni Vhong.

Ito naman ang first movie ni Donna na walang kupas sa pagpapakuwela ng punchlines sa interview/

“Love triangle po kami dito kung hindi kayo naniniwala panoorin nyo po (laughs),” masayang sinabi ni Donna.

Mahigpit naman ang imbitasyon ni Vhong sa mga manonood ng pelikula na suprtahan ang Unli Life.

“Ang hirap manood, magaganda lahat ng naka line up sa Pista, sana lang nakikiusap po kami na unahin nyo sana yung Unli Life (laughs),” pahayag ni Vhong.

Mapapanuod ang Unli Life ngayong August 15.