Sasakyan ni Kim Chiu, binangga ng isang bus

Tinawag ni Kim Chiu ang atensyon ng Land Transportation Office (LTO) para maging alerto ito sa mga public bus na walang lisensya ang drivers.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/20/2018 8:04 AM
Sasakyan ni Kim Chiu, binangga ng isang bus


Kagabi, July 19, ibinahagi ni Kim Chiu na nakabanggaan ng kanyang sasakyan ang isang bus nang papunta siya para sa block screening ng I Love You Hater na kanyang regalo sa isa sa mga bida ng pelikula na si Kris Aquino. 

Sa kanyang Instagram stories, inilahad ni Kim na na-stress siya dahil sa aksidente at sa di pag-cooperate ng bus driver sa kanila sa pag-aayos ng insidente. 

“OMG! Binangga kami! Ayaw pa magbigay ng driver's license and company ID nung driver. Baka naka colorum 'yung bus nila! LTO, please do something to this kind of bus company!” sabi nito sa caption ng kanyang IG post. 

 

 

Di naman nasaktan ang aktres sa aksidente at umabot siya sa screening ng pelikula.