• Home
  • Fresh Scoops
  • Pagpapakasal at pagkakaroon ng anak, inamin ng Hashtag member na si Jon Lucas

Pagpapakasal at pagkakaroon ng anak, inamin ng Hashtag member na si Jon Lucas

Ayon kay Jon ang pamilya niya ang pinaka importante sa kanya ngayon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/20/2018 6:16 PM
Pagpapakasal at pagkakaroon ng anak, inamin ng Hashtag member na si Jon Lucas


Photo credit: @lucas_aljhon on IG

 

Kinumpirma mismo ng Hashtag member na si Jon Lucas ang mga naglabasn na balita tungkol pagkakaroon umano niya ng anak at pagpapakasal sa non-showbiz girlfriend.

“Gusto ko magpaka totoo na sa lahat, ayaw ko na magpaka peke, dahil kung ano man ang mag-matter sa huli, e yung paninidigan ko at pagiging totoo ko, yun ang pumalit sa lungkot na naranasan ko sa (pagkawala ng) nanay ko, nagkaroon ako nang kaligayahan nun mayroon na akong baby,” bungad ni Jon. 

Ito ang kanyang naging pag-amin sa media conference ng kanyang upcoming movie na "Dito Lang Ako" kung saan makakapareha niya si Michelle Vito. 

Aniya, 8 months old na ang kanyang baby boy na si Brycen Christian, ang source ng kanyang inspirasyon ngayon.

“Baby boy, 8 months na siya, yun din ang pinaka mahalaga din sa akin ngayon na kahit na suspend na din ako sa Showtime, e nalilibang naman ako at nag-eenjoy ako na naalagaan ko na ang baby ko," sabi pa ni Jon. 

Nilinaw din ng aktor na ikinasal na sila ng ina ng kanyang baby, na isang production staff ng Kapamilya network.

“May nagbalita na kasal na ako? (Laugh) Totoo, totoo ayaw ko na talaga magpaka peke. Alam ko na makikita ito ng mga supporters at followers ko, lahat to mababasa at mapapanuod nila pero ang gusto ko lang and alam ko naman sa huli yung mga fans ko, mag-stay naman sila. Pero ang pinaka higit na mag-stay sa akin ay ang family ko, kaya gusto ko sila panindigan," paglilinaw ni Jon.

Ayon pa sa kanya, napigilan siya na aminin sa publiko ang kanyang mga naging personal na desisyon sa buhay dahil sa kanyang hiya sa management na nagtiwala sa kanya.

“Unang una, ayaw ko din naman itago ng sobra, naghintay lang din ako ng time para ilabas siya. Kasi ang manager ko may plano din para sa akin, siguro napigilan lang ako dahil sa generation nga natin ngayon yung mga fans baka masaktan kaya ayun tinanong ko din muna sila," sambit  ni Jon.

“Ang sabi nila ‘in time na lang’ e ngayon siguro pagkakataon na para sabihin ko nga sa tao na ito na ang totoo and kung ano man ang consequence, tatanggapin ko,” pahayag pa niya.

Bukod sa kanyang upcoming movie sa August 8, mapapanuod din si Jon sa "Unli Life" kasama si Vhong Navarro.

Sa ngayon, wala pang detalye si Jon sa kanyang pagbabalik sa It's Showtime.