• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Director Erik Matti, naniniwalang malalampasan ng ‘Buy Bust’ ang mga nauna niyang pelikula

EXCLUSIVE: Director Erik Matti, naniniwalang malalampasan ng ‘Buy Bust’ ang mga nauna niyang pelikula

Director Erik Matti, ibinahagi kung ano ang lamang ng ‘Buy Bust’ sa mga pelikulang nagawa na niya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/20/2018 10:07 AM
EXCLUSIVE: Director Erik Matti, naniniwalang malalampasan ng ‘Buy Bust’ ang mga nauna niyang pelikula


 

Confident si Direk Erik Matti na kayang lampasan ng kung anumang na-achieve ng previous films niya lalo na pagdating sa box-office success ang latest movie niyang Buy Bust na pinagbibidahan ni Anne Curtis na showing on August 1.

“Ibang movie siya, totally. Pero, oo, kayang lampasan,” proud niyang pahayag sa interbyu ng PUSH.

“Kasi yung marami, sinasabi nila nakakaantok yung Honor Thy Father, sobrang lalim. Yung On The Job, siyempre sobrang exciting yon. Pero itong Buy Bust, p***ngina, as in, super popcorn entertainment na thrilling, edge of your seat talaga,” dugtong ni Direk Erik hindi napigilang mapamura sa excitement.

“From the very beginning, inisip ko talaga yung Buy Bust na zombie film siya na walang zombie. So, isipin mo yan, horror siya na walang mangangain ng tao,” dagdag na description niya sa pelikula.

Ayon pa kay Direk Erik, ang Buy Bust ang pinakamatagal na pelikulang ginawa niya. Bukod sa two years in the making ito, pati shooting days ay inabot daw ng halos ng two months.

“Itong Buy Bust, maniwala man sila o hindi, 56 days naming syinut yung movie. Ang rehearsals ko mga ganun ding kadami at parang shoot din siya kasi nandon kaming lahat. Nandon din ang nag-iilaw.

“Kami, lahat ng choreography (ng fight scenes) dinrawing ko muna. Tapos yung fight director ko syinut niya with the stunt men tapos ipapakita namin kay Anne para alam niya yung gagawin niya. Tapos ire-rehearse. So, tedious siya talaga,” kuwento pa niya.

Hindi ba siya nalungkot na R-16 ang rating na ibinigay sa Buy Bust ng MTRCB?

“Ah… yes and no!” pag-amin ni Direk Erik.

“Because sa Buy Bust, siyempre ini-explore mo yung gulo ng buong lugar, di ba? So, siyempre iba-iba yung klase ng pagpatay, iba-iba yung patayan.

“I never thought na pag pinanood mo siya, sobrang nakakakaba yung movie, na other people… I never realized na minsan yung imagination mo could run wild on your own, di ba, kaya naging R-16 siguro.

“But the consolation is, gustung-gusto nila yung movie and I think part of the reason why they gave it the R-16 and not R-18 is because gusto nila yung movie. Hindi ko plinano na maging R-16 siya.

“I wanted it sana na R-13, because of course, number one, I want more people to see it. I want more people to enjoy it and I want us to recuperate the investment kasi malaking movie siya, eh, kung R-13 siyempre mas maraming makakapanood, di ba?

“But at the same time, responsibility-wise, ayoko namang iresponsableng director na manonood yung mga bata tapos hindi naman nila maintindihan, tapos sobrang daming patayan… alam mo yon?” tuluy-tuloy niyang paliwanag sa PUSH.

Pero inamin din sa amin ni Direk Erik na gusto sana nilang gumawa ng R-13 version, pero napagkasunduan daw nila ng kanyang producer na sina Vincent del Rosario and Dondon Monteverde na huwag na lang.

“We were talking about, is it possible to do a version ng R-13, kasi okay naman kami na may R1-3, may R-16. Pero napag-agree-han naming tatlo, baka mas tauhin yung R-16 over R-13 kaya tinanggal na namin yung idea ng R-13,” katwiran ng magaling na director.