• Home
  • Fresh Scoops
  • Juliana Parizcova Segovia shares what she will do with her Miss Q&A prize

Juliana Parizcova Segovia shares what she will do with her Miss Q&A prize

Miss Q & A winner Juliana Parizcova Segovia says she will have her teeth fixed using her prize money.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/2/2018 8:14 AM
Juliana Parizcova Segovia shares what she will do with her Miss Q&A prize


 

Sa Rated K, sinabi ni Miss Q & A grand winner Juliana Parizcova Segovia kung ano ang ipareretoke niya matapos siyang makatanggap ng 500,000 pesos worth of retoke package mula sa It’s Showtime. 

“Ipin, magpapangipin,” masayang sagot niya. 

Pero kung magtutuloy-tuloy diumano ang career niya ay hindi daw muna magpapangipin si Juliana. 

“Nasa isip ko pa rin po kasi yung mangyayari sa akin after ng finals. So kung magtutuloy-tuloy yung career ko (as a comedian), eto ganto ko lang siya ime-maintain.” 

Ano naman kaya ang plano niya sa one million pesos na napanalunan niya? 

Ani Juliana, “Eto na to, siguro kukuha na kami ng bahay namin.” 

Tinanong din ang dating call center agent kung pano niya gagamitin ang boses niya para sa LGBT community. 

“Siguro lalapit na lang po ako sa reyalidad na yun na magiging boses nila ako sa kahit anong contest, laban lang nang laban lalo na sa mga katulad ko na dapat walang atrasan. Believe in yourself,” pahayag ni Juliana.