• Home
  • Fresh Scoops
  • Ex-Pinoy Boyband Superstar finalist Allen Cecillio, recording artist na ngayon

Ex-Pinoy Boyband Superstar finalist Allen Cecillio, recording artist na ngayon

Ibinahagi ni Allen Cecillio ang pagkakaroon niya ng mga katanungan sa sariling kakayahan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/2/2018 9:11 AM
Ex-Pinoy Boyband Superstar finalist Allen Cecillio, recording artist na ngayon


 

Isa nang ganap na digital recording artist ngayon ang 19-year-old finalist ng Pinoy Boyband Superstar na si Allen Cecillio.

Isa si Allen as mga hopefuls noon sa sikat na talent search para sa next all-male group sa Kapamilya Network. Ibinahagi nito ang kasiyahan tungkol sa kanyang unang single na may title na “Baby Ko.” 

“Ito pong song ko na ‘Baby Ko’ tungkol po sa kabataan na mayroong crush pero di nila masabi kasi yan ang usual na sitwasyin ng teens. Nakakatuwa po kasi sa Spotify po meron na 22,000 plus monthly listeners. Ang ganda daw ng response kasi usually sa beginners 2000 to 5000 lang, sa akin po nakaganun agad ang narating,” bungad na kwento ng newbie singer. 

Aminado si Allen na hindi pa din nagtatapos ang kanyang pag-abot sa kanyang pangarap sa kabila ng kanyang naabot sa talent search sa ABS-CBN.

“Gusto ko kasi matulungan ang family ko. Parents ko, mga bata pa nag-asawa, Mama ko 18, tapos papa ko 21, pareho sila di naka-graduate. Ang laki ng family namin, lumaki kami na hindi sagana ang buhay makakain lang ng tatlo beses isang araw, ok na. Ang papa ko nag-abroad para ma suportahan kami apat (na magkakapatid,)” sabi pa ng binate.  

Aminado din si Allen na madami din siyang naging tanong sa sarili kung bakit hindi siya nag-tagumpay bilang isang miyembro ng BoybandPH.

“Umiyak po talaga ako (after elimination) pero yung iyak ko hindi dahil talo ako kasi parang first time ko sumali sa mga ganyan na pa contest, di talaga ako kumakanta tapos nag-try lang talaga ako mag audition,” sabi pa niya.

“Tapos sabay-sabay kami, ako back to zero, tapos tinatanong ko sarili ko bakit sila nandoon na, tinatanong ko lang sarili ko kung naliligaw ba ako?” sambit ni Allen.  

“Minsan naiiyak ako na ang layo na din pala ng narating ko, di na masama higit pa sa pinagdasal ko kay Lord ang binigay niya sa akin,” dagdag na pahayag ni Allen.