• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Giselle Andres aminadong kinabahan nang malaman na si Kris Aquino ang bida ng kanyang pelikula

Direk Giselle Andres aminadong kinabahan nang malaman na si Kris Aquino ang bida ng kanyang pelikula

Nagbago daw ang pagtingin ni direk Giselle kay Kris nang nagsimula na silang magtrabaho.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/2/2018 8:05 AM
Direk Giselle Andres aminadong kinabahan nang malaman na si Kris Aquino ang bida ng kanyang pelikula


 

Baguhang director pa lamang si Giselle Andres pero pumayag si Kris Aquino na magpadirek sa kanya sa pelikula ng Star Cinema na I Love You, Hater.

“Natakot ako nung simula. Nung sinabi na siya yung kukunin ang tanong ko kaagad, ‘Papayag ba yon, eh, Kris Aquino siya, di ba? Tapos baguhan lang ako at hindi niya pa ako nakakatrabaho. So nung tinanggap niya itong pelikula nagulat talaga ako,” kuwento ng lady director.

Habang ginagawa raw nila ang I Love You, Hater ay napatunayan niya na magaang katrabaho si Kris. Nabago rin daw ang impresyon niya sa Queen of Online World.

Kuwento ni Direk Giselle, “Nung sinabi niyang na-miss kong magpelikula, natuwa ako kasi parang feel na feel niya talaga na professional yung mga tao, kasi parang na-miss niya yung ang liliit na bagay.

“Na-miss niya yung nagma-marker, pailaw, may sukat, nakakatuwa. So, wala akong naging problema sa kanya. Nakakatuwa kasi hindi ko po akalain na madali siyang kausap.

“Akala ko kasi talaga parang ano siya, akala ko talaga mahirap, pero hindi pala.  Yon po, very happy ako na nakatrabaho ko siya and makikita n’yo naman po kung ano yung kinalabasan ng pagtatrabaho namin dito sa I Love You, Hater.”
Ano ba ang gusto niyang ma-achieve sa pelikulang idinidirek niya? 

“Ako po, kunyari sa pelikula, ang gusto ko lang naman po lagi ay maging relatable siya. Like sana kapag pinanood nila ito maka-relate sila sa characters.

“Tapos sa cast po, ang goal ko lang naman po lagi ay to bring out the best in them but at the same time, sana kahit papaano something new. Kung hindi man something new as a character, something new sa perspective ng pag-arte or kung paano mag-portray nung character,” paliwanag niya.

Kasama ni Kris sa I Love You, Hater sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Palabas na ang pelikula sa July 11.