• Home
  • Fresh Scoops
  • Dating sexy star Bridget De Joya nakulong nang dahil sa drugs

Dating sexy star Bridget De Joya nakulong nang dahil sa drugs

Sinasabi ng dating sexy star na nadamay lamang sila ng kanyang kinakasama sa raid ng isang dorm.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/2/2018 8:07 AM
Dating sexy star Bridget De Joya nakulong nang dahil sa drugs


 

Sa Rated K, nakakulong ang dating sexy star na si Bridget De Joya dahil sa nahulihan diumano ito ng droga sa isang raid. Kasama niya ang kanyang live-in partner na si Bong nang siya ay mahuli. Ayon kay Bridget, nagkataon lang na ang pinuntahan nilang dorm para tulugan noong araw na yun ay nire-raid pala.

Nang tanungin si Bridget kung ano ang pinakamahirap sa pagkakakulong, sinabi niya na, “Iisipin mo yung dati mo pang araw-araw na gawain dati. Bakit ganito? Ang dami kong tanong kung bakit. E di naman po lahat ng nakakulong ate, kung tutuusin may kasalanan.” 

Nainterview rin ang nanay ni Bridget na si Natalie, na limang buwan nang walang komunikasyon kay Bridget. Ito ang mensahe ni Natalie para sa anak, “Sana magbago na sila. ‘Wag nilang sayangin yung mga pagkakataon na binigay sa kanila. Kung sino man yung mga taong nasa paligid, iwasan na nila. Mag-umpisa sila magbagong buhay. Di pa huli ang lahat,” sambit nito.  

Nagre-recover rin si Bridget sa sakit na breast cancer at hangad niya na makita at makasama muli ang kanyang mga anak na matagal na rin nawalay sa kanya dahil sa kinuha diumano ito sa  kanya ng kanyang dating asawa.