Beanboozled challenge, sinubukan ni Alex Gonzaga kasama sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy

BY
Edo Daria

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

07/02/2018 07:07 PM
Beanboozled challenge, sinubukan ni Alex Gonzaga kasama sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy

 

Ilang araw matapos i-release ang teaser ng kanyang bagong hugot movie, hinamon ni Alex Gonzaga ang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa nakakaaliw na challenge ng Beanboozled. 

Sa challenge, sabay sabay kukuha ng bean ang mga participants base sa napiling kulay. Bawat round, matatalo ang may matitikmang pangit o kakaibang lasa. Pero sa pagkakataong ito, mukhang nahirapan si Alex malaman kung sino ang natatalo dahil sa kakulitan at malambing na sungitan nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy. 



Screengrab from Youtube