• Home
  • Fresh Scoops
  • Maxine Medina, nagbigay ng detalye kung bakit sila naghiwalay ng boyfriend na si Marx Topacio

Maxine Medina, nagbigay ng detalye kung bakit sila naghiwalay ng boyfriend na si Marx Topacio

Inamin ni Maxine Medina na napag-uusapan na nila ang pagpapakasal noon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/19/2018 9:42 AM
Maxine Medina, nagbigay ng detalye kung bakit sila naghiwalay ng boyfriend na si Marx Topacio


Photo credit: @maxine_medina (L)/ @marx_topacio (R) on IG

 

Inamin ng beauty queen turned actress na si Maxine Medina sa presscon ng pelikulang Pinay Beauty (She’s No White) na hiwalay na sila ng model-actor boyfriend na si Marx Topacio.

Pitong taon ding tumagal ang relasyon ng dalawa na ang akala ng marami ay mauuwi na nga sa kasalan.

“Yes, I’m single, pero focus muna ako sa career ko. I love this, eh, I love what I’m doing. Ayun nag-i-enjoy ako,” bulalas ng Binibining Pilipinas-Universe 2016.

Inamin din ng dalaga na totoong napapag-usapan na nila noon ni Marx ang kasal.

Aniya, “Yeah, napag-usapan namin, pero marami talagang instance na ano, eh…”

Dagdag ni Maxine, “Well, lahat naman kasi… within one year ang daming nagbabago, and siyempre, siguro parang kailangan muna din namin ng space to love ourselves first para ma-appreciate namin yung isa’t isa.”

May third party bang involved sa hiwalayan?

“Wala. Wala naman,” sagot niya.

Pero puwede pa ba silang magkabalikan?

“Bakit naman hindi? Pero let’s see. We’re friends naman, okay naman po. May communications pa rin naman. Pero siyempre, sobrang busy ko po ngayon, eh. Siya din sobrang busy niya, sobrang dami niyang ginagawa,” rason pa niya.

Sa kabila ng nangyari sa kanyang love life, hindi pa rin naman daw niya tatalikuran ang muling umibig at magmahal.

“Siyempre, open pa rin naman ako. Everyone needs love. Sa akin lang kasi, parang I just really need to focus, saka alam ko na yung priorities ko.

“Tumatanda na tayo lahat, so alam naman natin kung saan tayo… kung anong dapat nating gawin,” katwiran pa niya.

Samantala, regarding her film Pinay Beauty na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino this August, sobra raw siyang naka-relate sa pelikula being a brown-skinned person.

“Nakaka-relate din talaga ako dito sa movie. Siyempre, may gusto din akong iparating sa mga tao, lalo na sa mga Pilipina na gustong pumuti. Na parang it’s not a problem (kung morena), I mean, you can be your own beauty at hindi mo dapat ikahiya ang kulay mo,” sey pa ni Maxine.

Kasama sa cast ng Pinay Beauty sina Edgar Allan Guzman, Janus del Prado, Nico Antonio, Chai Fonacier at marami pang iba. Ang pelikula ay prinodyus ng Quantum Films under the direction of Jay Abello.