• Home
  • Fresh Scoops
  • Kakai Bautista, inaming mukhang pera kaya pumayag makatrabaho si Ahron Villena sa ‘Harry and Patty’

Kakai Bautista, inaming mukhang pera kaya pumayag makatrabaho si Ahron Villena sa ‘Harry and Patty’

Inamin ni Kakai Bautista na hindi naging madali para sa kanya na tanggapin ang pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/19/2018 9:44 AM
Kakai Bautista, inaming mukhang pera kaya pumayag makatrabaho si Ahron Villena sa ‘Harry and Patty’


 

Bida na ang beauty ni Kakai Bautista sa pelikulang Harry and Patty ng Cineko Productions na showing sa August 1. Siya ang leading lady ng “partner” niyang si Ahron Villena.

Pero ayon kay Kakai, hindi naging madali para sa kanya na tanggapin ang pelikula dahil natakot siya na ma-bash na naman nang katakut-takot dahil nga sa controversial past nila ng aktor.

Ani Kakai, “Alam n’yo naman kung ano ang tingin nila sa akin, di ba? Assumera. Feelingera. Kung anu-ano pa.

“Pinost ko nga sa Instagram na ilang beses kong pinag-isipan bago ako umoo sa project na ‘to, kasi nga sobrang natatakot ako. Kasi alam n’yo naman, sikat na sikat ako sa mga pangba-bash, ganyan and everything lalo na pag tungkol sa aming dalawa.”

Humingi rin daw siya ng sign kung dapat ba talaga niyang tanggapin ang pelikula.

“Tapos, naisip ko, kailangan kong mag-ipon ng pera kasi mayroon akong bibilhin. Maa-achieve ko rin ‘yun in time, in God’s perfect time.

“Naisip ko ‘yun, so sabi ko, ‘di bale na lang, kahit anon’g sabihin ng mga tao, keri na ‘to, go-go ko na ‘to,’” katwiran niya.

Mabuti na lang daw at nung mga panahong yon ay tila okay na sila ni Ahron at nag-uusap na sila.

Magkaganun man, bina-bash pa rin daw siya sa social media ng netizens.

Lahad pa ni Kakai, “Kasi siyempre, tao ka lang naman, nasaktan ka na dati sa mga sinasabi ng iba saka sa opinyon ng iba, di ba? Siyempre, hindi ka naman bato, eh, para hindi masaktan.

“Saka talaga namang lahat ng artista dumarating sa ganun’g mga ‘oh my God, eto na naman.’ So, naunahan ako ng fear ko.

“Pero nun’g maisip ko, ‘ay, matutupad ko ang isang pangarap ko para sa pamilya ko,’ eh di go na. Oo, mukha akong pera, go!”

Na-appreciate naman ni Kakai ang efforts ni Ahron para maging okey silang dalawa.

“In fairness, nag-effort naman siya, sa maniwala kayo at sa hindi. So, thankful din naman talaga ako na binigay sa amin ‘to ng mga producers,” sey pa niya.

Ang Harry at Patty na ire-release ng Star Cinema ay mula sa direksynon ni Julius Ruslin Alfonso na siya ring nagdirek ng award-winning film na Deadma Walking.