• Home
  • Fresh Scoops
  • Natural na biruan ni Empoy Marquez at Zanjoe Marudo, sikreto sa kanilang pelikula na ‘Kusina Kings’

Natural na biruan ni Empoy Marquez at Zanjoe Marudo, sikreto sa kanilang pelikula na ‘Kusina Kings’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/18/2018 11:02 AM
Natural na biruan ni Empoy Marquez at Zanjoe Marudo, sikreto sa kanilang pelikula na ‘Kusina Kings’


 

Bagong comedy tandem nina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez ang ipapakilala sa Kusina Kings ng Star Cinema.

Kuwento ng dalawang aktor, hindi na sila nahirapan na kilalanin ang isa’t isa dahil natural na ito lumalabas sa set ng kanilang pelikula.

“On-cam, off-cam, ganun kami ni Z. Yung batuhan namin ng linya… Wala kami hinahanap na bagong ano… Nandun na sa reality ang dapat namin ikilos sa shooting namin,” sabi ni Empoy.

“Nagwo-work na kung paano kami sa totoong buhay. Ganun na rin ang dapat gawin namin sa movie lalo na ito ang una naming tandem,” sabi naman ni Zanjoe.

Kuwento pa ni Zanjoe, matagal na sila nagkasama ni Empoy sa ibang proyekto.

“First project ko dito sa ABS [CBN] kasama ko siya sa isang teleserye and then sa ibang pelikula nagkakasama na kami. Ganun kasi kapag may nakita ka isang tao kahit bago kakilala pa lang parang makikita mo agad ang connection. Siguro dahil pareho kami taga-probinsya at laking kalye, nagkokonek agad kami parehas,” kuwento ni Z.

Si Empoy naman, nakita ang talent ni Zanjoe sa pagpapatawa na mapapanuod sa mga eksena ng Kusina Kings.

“Yung pagmamahal niya sa trabaho, yung dedication niya… Nakita ko na versatile siyang actor. Puwede sa drama, puwede sa comedy. Kahit saan puwede siya,” pahayag pa ni Empoy.

Mapapanuod ang Kusina Kings ngayong July 25.