Meg Imperial, bashed for playing one of the Chiong sisters

Meg Imperial: ‘That’s too harsh for me because I’m just doing my job.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/18/2018 10:27 AM
Meg Imperial, bashed for playing one of the Chiong sisters


 

Sa ulat ng TV Patrol, binatikos ng mga tao si Meg Imperial sa pagganap niya sa pelikula tungkol sa the Chiong sisters. Tungkol ito sa kontrobersyal na rape-slay case sa Cebu noong 1997.

Ani Meg tungkol sa mga natanggap niyang pamba-bash, “‘Hindi ka na nga sikat, hindi ka pa nag-iisip.’ So that’s too harsh for me because I’m just doing my job.” 

Dagdag pa ni Meg, “Wala naman akong pinapanigan. When I accepted this role, I knew the story. I’ve done my research as well.” 

Humihingi ng boycott ang ilang netizens at nanawagan na panuorin ang documentary na Give Up Tomorrow na tungkol sa pagkakakulong sa isa mga suspect na nasa Manila daw nang nangyari ang krimen. 

Giit ni Meg, hindi biased ang pelikula at tungkol lang daw ito sa pighati ng pamilya at pagkawala ng kanilang mga anak.