Mark Neumann, nagkuwento tungkol sa kanyang girlfriend

Mark Neumann: ‘Pangarap ko po farm.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/18/2018 10:31 AM
Mark Neumann, nagkuwento tungkol sa kanyang girlfriend


 

Sa Tonight with Boy Abunda, ikinuwento ni Mark Neumann na pangarap niya magkaroon ng farm sa Batangas at pinag-iipunan niya ito. Ito daw ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nag-aartista. “Gusto ko lang talaga mag-ipon muna and pangarap ko po farm.”

Inamin din niya na meron siyang non-showbiz girlfriend at iisa sila ng goal. “Me and my girlfriend are planning to have a farm in the future.” Halos tatlong taon na rin daw silang magkasama.

Hindi rin daw nagseselos ang girlfriend niya dahil may mga fans na sini-ship siya kay Kisses Delavin. “She herself is in the arts, she’s a professional ballerina. And by profession, she’s a clinical laboratory scientist.”