• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sunshine Cruz plans to become a teacher in Psychology

EXCLUSIVE: Sunshine Cruz plans to become a teacher in Psychology

Sunshine Cruz wants to help people deal with depression like she did after her marriage failed.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/18/2018 9:29 AM
EXCLUSIVE: Sunshine Cruz plans to become a teacher in Psychology


Photo credit: @sunshinecruz718 on IG

 

Kahit graduate na si Sunshine Cruz ng kursong Bachelor of Arts in Psychology ay itutuloy pa rin daw niya ang pag-aaral para naman kumuha ng master’s degree.

“Plano ko munang mag-ipon and I’m claiming it na kapag 50 na ako ay psychiatrist na ako.”

Gusto rin daw niyang magtayo ng clinic kaya lang kailangan pa niyang kumuha ng ilang units.

“Kaya nga kailangan ko pang mag-masters, ilang units pa. Tapos mag-i-exam pa ako niyan.”

Maging ang pagtuturo ay isa rin sa options ni Sunshine when she reaches 50 years old.

“Yeah, if given the chance gusto ko ring magturo. Kasi parang ang sarap i-spread ng wings, na nakakatuwa na ngayon na parang ang dami-daming magagandang bagay na nangyayari ngayon sa akin na parang iba sa ginagawa ko before.

“That’s something na challenging and it’s something different for me and I love challenges.

“Gusto ko rin na… puwedeng professor, psychologist, doctor of psychology, yan yung mga dream ko na sana maabot ko,” lahad pa ng seksing aktres.

Eh, anong klaseng professor naman kaya siya pag nagkataon?

“Naku, dapat mag-aral silang mabuti dahil kapag tatamad-tamad sila, ibabagsak ko sila,” tatawa-tawa niyang pahayag.

Naikuwento rin sa PUSH ni Sunshine na dumaan siya sa matinding depression noon pagkatapos nilang maghiwalay ng ex-husband na si Cesar Montano. Pero madali raw niya itong nalampasan.

“Binigyan ko yung sarili ko ng few weeks kasi I have to work. May offer na ako noon sa ABS-CBN. When I separated, wala pang isang linggo, tinawagan na ako ng ABS, so I have no choice but to work.

“Pero sa totoo lang, ganun pala yon, no? Para talaga siyang sugat na akala mo nung una masakit, pero one day, magigising ka na naghilom na pala yung sugat at okey na.

“Kaya yung mga nagkakaproblema, huwag silang mag-alala kasi kaya talagang lampasan. Sa una lang masakit, ilang linggo, ilang buwan, then after that you’ll be fine na,” payo niya sa mga taong nade-depress.