• Home
  • Fresh Scoops
  • Tawag Ng Tanghalan singers, may mga sorpresang showdown para sa kanilang concert

Tawag Ng Tanghalan singers, may mga sorpresang showdown para sa kanilang concert

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/17/2018 11:25 AM
Tawag Ng Tanghalan singers, may mga sorpresang showdown para sa kanilang concert


 

Magkakasunod na pumirma ng kontrata bilang mga bagong recording artists ang ilan sa mga grand finalist ng Tawag ng Tanghalan first and second season.

Kasabay ito ng launching ng TNT Records na bagong bahagi ng Star Music.

Dito, ibinida din ng mga TNT singers ang kanilang mga paghahanda sa nalalapit na TNT All Star Showdown Concert sa Big Dome.

Kabilang sina Reggie Tortugo at Anton Antenorcruz sa concert at ani nila dream come true ang makapag-perform sa Araneta Coliseum.

“Gusto po nila sumayaw daw ako (laughs). Masaya lang po ako kasi dream come true para sa akin ang maka-perform sa Araneta coliseum,” sabi ni Reggie.

Hit songs naman sa Tawag by Tanghalan ni Anton ang mga ibibigay niya sa bakbakan sa Big Dome.

“Iyung mga kanta na bagay talaga sa genre ko and yung iba yung mga tumatak na performance ko sa Tawag nag Tanghalan,” sabi pa niya.

Ang mga biritera naman na sina Eumee Capili at Arabelle dela Cruz, kina-career ang kanilang numbers at pahulaan din daw kung sino ang magkaka-showdown.

“Magkakaroon po kami ng mga ka-duet na unexpected po na di pa nakikita ng iba,” sabi ni Eumee.

“Siguro po yung concert po na yun pinaghandaan po namin talaga dahil concert nga (laughs). Kahit showdown siya hindi siya yung parang naglalaban kami,” pahayag naman ni Arabelle.

Ang TNT season one finalist na si Froilan Canlas mga throwback performance number ang ipinangako sa mga manunuod.

“From season one to season two kung saan n’yo minahal ang mga Tawag ng Tanghalan artists, ibabalik namin iyon at may mga bago pa kami pasabog,” pangako ni Froilan.

Magaganap ang TNT All Star Showdown Concert sa July 28 sa Araneta Coliseum.