• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual dumaan sa mid-life crisis kaya nagbalak mag-quit sa showbiz

Piolo Pascual dumaan sa mid-life crisis kaya nagbalak mag-quit sa showbiz

Ikinuwento ni Piolo Pascual kung ano ang pinagdaanan niya noong balak niyang mag-quit sa showbiz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/17/2018 9:34 AM
Piolo Pascual dumaan sa mid-life crisis kaya nagbalak mag-quit sa showbiz


 

Hindi na iniisip ngayon ng Ultimate Heartthrob at Kapamilya actor na si Piolo Pascual ang layasan ang entertainment business o mag-quit sa showbiz na inamin niyang binalak niyang gawin noon when he was turning 40 years old.

Kuwento niya, “I wanted to quit before because burnt out, eh, sobrang pagod, wala ka nang oras sa sarili mo. I was turning 40 back then.”

Ayon pa sa aktor, nasa mid-life crisis siya ng mga panahong iyon kaya gulung-gulo ang isip niya.

“Iniisip mo kung ano ba ‘yung worth ng buhay mo and I was really going through something that time. Gusto ko lang malaman kung saan ako pupunta, you know.

“Mid-life ‘yun, eh. Talagang crossroads sa akin ‘yun. I thought I wanted to quit,” sey pa ni Papa P.

Kahit na nasa mid-life crisis ay pinapirma daw ulit siya ng kontrata ng ABS-CBN at hindi pinayagang mag-quit.

“Hindi ako pinayagan, eh. Hindi ako pinayagan ni Lord. Hindi ako pinayagan ng ABS-CBN.

“So, mahirap din ‘yun, I went through it for six months. It was so hard for me that’s why I went on a vacation for three months just to really see kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko, kung tapos na ba ako sa showbiz.

“And I realized na hindi pa naman siguro. It was humbling for me to accept the fact na hindi pa ako tapos sa ginagawa ko.

“So, now, hindi na siya (ang mag-quit) sumasagi sa isip ko but I feel more inclined towards doing something else, not just really focusing on acting but also producing and partnering with other, let’s say, ‘yung magagandang pwedeng maging content.

“With ABS-CBN kasi, they are more open now for partnerships in terms of content production and ‘yung mga gusto nating ilabas.

“So mas malaki na ‘yung playing field natin and I’m able to explore more and do more with the given opportunities,” dire-diretso pa niyang pahayag.

Samantala, kamakailan lang ay humarap si Piolo sa entertainment media para sa presscon ng Sun Life Financial at dito niya ipakilala kung sino nangangalaga at nag-aasikaso ng kanyang finances. Ito pala ay walang iba kung hindi ang sister niyang si Chiqui Pascual.