• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino, nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang comeback movie ‘I Love You, Hater’

Kris Aquino, nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang comeback movie ‘I Love You, Hater’

Nagpapasalamat si Kris Aquino sa mga kaibigang gumawa pa ng block screenings para sa kanyang pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/17/2018 9:32 AM
Kris Aquino, nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang comeback movie ‘I Love You, Hater’


 

Nagpasalamat si Kris Aquino sa pamamagitan ng kanyang Instagram account sa kanyang mga kaibigan at supporters na sumuporta sa pelikulang I Love You, Hater at nagsasagawa ng mga block screenings.

May special shout out si Kris para kay Erik Santos na nagpa-block screening din sa isang sinehan ng pelikula katulong ang kanyang fans at mga kaibigan para suportahan si Kris.

Post ni Kris, “As I post this, lumuluha ako... I checked my phone & saw a simple- ‘Hi Ate’ and these pictures... hindi po ako nagkamali sa pag LOVE kay @eriksantos.

“When I needed FRIENDS to stand w/ me -- HINDI NYA KO BINIGO. To his generous ‘fairy godmother’ & his fans -- THANK YOU! #loved”

May nagpadala din kay Kris ng picture ng napakaraming theater tickets na gagamitin para sa isa ring block screening.

“A friend sent this, just purchased now... and I got word from @visionerickson that our Saturday & Sunday box office both individually doubled the sales of opening day.

“We have a faithful & loving God who brought so many angels into my life. Maraming salamat po.”

Palaisipan naman kung sino ang prominenteng pamilya na tinutukoy ni Kris na kung saan-saang sinehan naka-schedule ang pa-block screenings.

Post niya, “I cannot name the place nor the family—pero ito yung niregalo sa kin today ng isang totoong kaibigan... walang exag—naiyak kami ni Ate. I sent her the pics.

“From 2010 to 2016 -- WALA silang napakinabangan sa min at all—pero hindi sila ever pumalya. Regular ang kamusta, regular ang pagpadala ng pagkain, hindi nagbago ang pagtingin...

“Kung pwede ko lang pagsigawan para maka THANK YOU. Pero alam na ni God kung gaano kahalaga itong ginawa nya para sa ‘kin.

“Sabi nga ng Ate ko: these are the moments that will always remind you that TRUE FRIENDS REALLY EXIST. Sana nga talaga bilog ang mundo—para mabigyan ako ng chance na masuklian ang pagmamahal at no questions asked na suportang pinaramdam nila sa kin.#loved.”

Nakiusap din si Kris sa kanyang supporters na huwag i-bash ang ABS-CBN.

“I have 1 request—ako na naman kasi ang mabubutasan pag bi-nash nyo ang ABS-CBN dahil sa ramdam ninyong hindi sila sumuporta sa I Love You Hater... Ibalato nyo na po sa ‘kin.

“Nasabi ko naman na buong buo ang loob at paninindigan—inaako ko ang kinalabasan ng kita ng I Love You Hater—kaya kong gawin yun dahil mahabang mahaba pa ang journey ni @garciajoshuae &@juliabarretto. They don’t deserve to suffer for having worked w/ me...

“Mahusay na director si @igisellle & naging mabuti ang trato sa kin ng mga naka trabaho ko [email protected]

“To paraphrase the dialogue of Sasha: You cannot force someone to love you. You can only choose to keep on loving. So now as Kris—I’ve learned to choose the path of courage, peace & dignity.) #laban” post ni Kris sa kanyag IG account.