• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Zyrus, maka-duet kaya ulit ni Celine Dion sa MOA Arena concert?

Jake Zyrus, maka-duet kaya ulit ni Celine Dion sa MOA Arena concert?

Maraming fans ang umaasa na maka-duet ni Jake Zyrus muli si Celine Dion.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/17/2018 9:26 AM
Jake Zyrus, maka-duet kaya ulit ni Celine Dion sa MOA Arena concert?


Photo credit: @jakezyrusmusic (L)/ @celinedion on IG

 

Isang dekada na nang mag-duet sa stage sina Jake Zyrus, na noon ay kilala pa bilang Charice Pempengco, at si Celine Dion sa Madison Square Garden sa New York.

Ngayon na magpe-perform sa kauna-unahang pagkakataon sa Manila si Celine (Mall of Asia Arena) on July 19 and 20 ay maraming nag-aabang kung mauulit ang duet nila ni Charice onstage.

Ang TV host na si Oprah Winfrey ang nag-recommend kay Charice na maka-duet ni Celine sa concert ng international diva na Taking Chances World Tour noong 2008. Noon pa man, naging country’s pride na si Charice pagkatapos siyang ipakilala ni Celine na “incredible young singer.”

“Let me tell you, she has a voice that can literally blow the roof off Madison Square Garden,” sabi ni Celine noon sa kanyang mga fans. Nag-duet sila ni Charice ng “Because You Loved Me” at nag-standing ovation ang crowd.

Sa interview niya early this year, sinabi ni Celine na natatandaan pa niya talaga ang duet nila ni Charice at ang “amazing voice” nito. Natuwa pa si Celine sa bagong buhay ni Charice ngayon as Jake Zyrus.

Sa nalalapit na two-night concert ni Celine sa Manila marami ang nag-aabang at excited kung makikipag-duet si Celine kay Jake. Pwedeng-pwede silang mag-duet ng “The Prayer” at si Jake ang kakanta ng part ni Andrea Bocelli.

Kapag nangyari ‘yun, maraming Pilipinong mapapasaya si Celine at magiging proud din sila at matutuwa na may isang Pilipino na naka-duet ang international singer.

Samantalang, kakatapos lang ni Jake ng concert tour sa UK (London, Newcastle at Birmingham) at Ireland (Dublin). Sa last quarter ng 2018, mayroon namang concert tour ulit sa US si Jake.

Nag-record si Jake ng theme song ng indie movie na “She’s a Killer” kung saan isa din siya sa mga bidang artista. Ire-release sa Japan ang movie at sa iba pang Asian countries ngayong October.

Handa na rin si Jake na i-launch next year ang isang libro tungkol sa life and journey niya.