Elsa Droga, dating nangangalakal ng basura

Elsa Droga: ‘Magkakalkal kami ng basura para lang kumita.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/17/2018 10:46 AM
Elsa Droga, dating nangangalakal ng basura


 

Sa ulat ng Rated K, pangatlo si Arjay Bongay o mas kilala nating Elsa Droga sa apat na magkakapatid. Bata pa lang daw siya tanggap na ng pamilya niya na bakla siya. Pero nung high school siya doon niya naranasan ang pambu-bully kung kaya hindi niya natapos ang senior year niya sa high school.

Eventually, nakapagtapos din si Elsa ng high school sa pamamagitang daw ng Alternative Learning System.

Tumira rin sina Elsa at ng pamilya niya sa gilid ng isang dumpsite nang mapunta sila sa Zambales. 17 years old si Elsa nang maranasan niyang mangalakal ng basura, isang bagay na hindi kinahihiya ni Elsa. “Magkakalkal kami ng basura para lang kumita at magkapera, para lang kumain kami ng tatlong beses sa isang araw.”

Nakilala naman siya bilang Elsa, isang Disney character, nang sumali siya sa Ms. Gay Pangkalawakan. Sumasali si Elsa kahit saang may Ms. Gay Pangkalawakan at madalas daw ay nananalo siya. Patok daw talaga siya bilang Elsa at kapag nasa stage siya ay hindi na niya alam ang ginagawa niya. “Para pong ganun, parang may sumasapi sa akin na masamamang elemento.”